ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 6, 2024
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 6, 2024 (Martes): Unahin mong pagandahin ang iyong kabuhayan bago mo pagandahin ang ibang bagay. Ito ang tunay na susi para sa iyong kaligayahan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka mabibigo kapag nagkaroon ka ng inspirasyon sa buhay. Kaya magpasalamat ka, kung mayroon ka na. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-13-17-29-36-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pagmasdan mo na may kasamang pagmamahal ang mga nangyayari sa iyo ngayon. Ito ang sikreto para ‘di umalis sa iyong kapalaran ang magagandang bagay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-25-35-40-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Samantalahin mo ang araw na ito na kung saan may kakaibang saya kang madarama. Kapag sa pagpapayaman mo ito itinutok, ang pagyaman ay mabilis mo ring makukuha. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-22-31-35-38-40.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi mo dapat paghaluin ang pagiging negosyante at pagiging maawain. Mas maganda na kung ang tututukan mo ngayon ay ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-17-20-25-34-41-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka dapat mabihag ng mga taong nagkakagusto sa iyo. Panatilihin mo ang pagtutok sa iyong ambisyon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-17-28-31-37-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung saan makiling ang iyong isipan, iyon na ang bagong mundo mo. Pero, ito ay pansamantala lang dahil ang dapat mong paghandaan ay ang pagpapaganda ng iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-13-21-25-33-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muling magbabalik ang iyong araw at ito ay magsisimula na ngayon. Huwag mong kalimutan na pahalagahan at ingatan ang mga biyayang napapasaiyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-25-39-42-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pahinga ang kailangan mo. Kahit ang haring araw ay namamahinga rin. Sa pamamahinga, mananariwa ang iyong lakas at isip. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-16-26-34-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Gumaganda ang takbo ng iyong kabuhayan, kahit na sa biglaang tingin ay nahihirapan ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-15-26-39-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tatag ng kalooban ang kailangan mo ngayon. Hindi dapat ngayon magbago ang iyong prayoridad. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-16-18-22-28-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka tatanggihan ng iyong lalapitan. Pero sa totoo lang, hindi mo sila kailangan para lang sumulong ang buhay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-26-29-35-37-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Malaking bagay ang maitutulong sa iyo ng mga mahal mo sa buhay para magpatuloy ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-24-28-36-43.
Comments