ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 2, 2024
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 2, 2024 (Biyernes): Ito ang araw na ginawa para sa iyo. Gawin mo anumang gusto mong gawin. Dahil ang lahat ng ito ay tiyak na matutupad.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatalunin ka ng awa. Gayunman, ang kinaaawaan mo ay susuwertehin at pasasalamatan ka niya. Ang pasasalamat na ito ay hindi mo pa natitikman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-28-30-34-40-54.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magbigay ka para makatanggap ka. Pero, magugulat ka dahil makatatanggap ka ng mga biyaya na ‘di mo lubos akalain. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-25-39-41-52-55.
GEMINI (May 21-June 20) - Okey lang na malamangan ka. Kung tutuusin, marami ka ng mga biyayang natatanggap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-15-26-33-36-44.
CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Anumang matanggap mo mula sa langit, pahalagahan at sinupin mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-19-22-24-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magdahan-dahan ka, iwasan mo ang pabigla-biglang pagkilos. Sa pagiging marahan, pumapasok sa isip ng tao kung ano ang pinakamagandang gawin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-18-20-28-30-52.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakamamangha ang kabutihang loob mo. Ang mga taong may mabuting kalooban ay mas pinagpapala ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-18-27-30-34-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mo kailangan ang alalay, sila ang may kailangan sa iyo dahil mas gumaganda ang kapalaran ng mga taong dumidikit sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-15-26-31-35-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung saan ka maluluwagan, ‘yun ang iyong piliin. Kung saan ka giginhawa, roon ka. Huwag mong pahirapan ang iyong sarili at huwag na huwag mong pasanin ang mundo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-22-29-30-37-40-52.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mag-ingat ka dahil may magtatangka na sirain ang iyong araw. Ikaw ngayon ang pagtatangkaan, kaya tandaan mo na hindi lahat ng humihingi ng tulong ay dapat tulungan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-18-29-38-40-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magalit at kontrolin mo ang iyong sarili. Hayaan mo na langit ang bumangga sa mga taong gumawa sa iyo ng masama. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-29-36-45-48-50.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang mayroon ka, ‘yun ang itulong mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-21-24-31-36-55.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Masaya ang makatulong sa kapwa. Ang mga taong hindi matulungin ay nabubuhay sa malalim na kalungkutan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-25-28-33-35-41-42.
Comments