ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 1, 2024
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 1, 2O24 (Huwebes): Kahit na magdatingan sa buhay mo ang mga suwerte, kailangan mo pa ring magsikap dahil mas matamis ang bunga ng pinaghirapan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makadarama ka ng kakaibang sigla na malinaw na senyales na gaganda na ang takbo ng kabuhayan mo. Kung ano ang naging plano mo, iyon na ang ipatupad mo at huwag mo nang baguhin pa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-14-22-25-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sakyan mo lang ang agos ng iyong kapalaran. Iisa lang ang patutunguhan nito, at ito ang katuparan ng iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-11-15-24-30-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Ngayon ay dapat kang maging masaya, ang pagiging malungkot ay ‘di nakakatulong para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-25-27-39-45.
CANCER (June 21-July 22) - Magpapatuloy ang magandang kapalaran na tinatamasa mo ngayon. Pero, may pagkakataon na pansamantala itong mababago. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-22-28-30-35-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kunin mo ang para sa iyo at huwag mong kunin ang hindi sa iyo. Sa ganitong paraan, malalayo sa iyo ang mga problema habang darating naman sa iyo ang magandang oportunidad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-10-21-25-28-36-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lumayo ka sa mga taong malulungkutin dahil ang lungkot ay tulad ng sakit na nakakahawa. Lumayo ka rin sa mga taong paladaing dahil ang mga ito ay nakahahawa rin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-29-36-39-40-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magsuot ka ng masayang kulay ng damit upang ika’y suwertehin. Kung ano ang larawan mo, iyon ang magiging kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-16-20-25-39-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dagdagan mo pa ang pagsisikap mo nang hindi masayang ang mga araw sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-16-18-26-35-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang lumagay sa posisyon na ikaw din ang mahihirapan. Piliin mo ang posisyon kung saan ka madadalian. Walang tao na gustong mahirapan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-26-30-39-45
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magpasalamat ka sa nasa itaas dahil binibigyang katuparan Niya ang kahilingan mo na pagandahin ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-21-28-31-40-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngiti lang ang sikreto para magbago ang iyong buhay. Kaya ngumiti ka na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-17-19-24-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bago ka magpasya, mag-isip ka na muna. Hindi ka dapat matangay sa magaganda at matatamis na salita. Sapat na ang mga karanasan mo para hindi ka madaya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-16-23-27-31-37.
Comments