ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Jan. 5, 2025
Sa may kaarawan ngayong Enero 5, 2025 (Linggo): Negosyo ang magpapayaman sa iyo. Kahit pa yumaman ka sa ibang bagay, sa negosyo ka pa rin babagsak. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Samantalahin mo ang masuwerte mong araw, kung saan ay puwede mong palaguin nang palaguin ang iyong pinagkakakitaan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-14-28-34-37.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makikita kang palakuwento, ito rin ay isang malinaw na senyales na natutuwa ka dahil nasasagap mo na ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-15-24-33-39-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Lalapit sa iyo ang mga suwerte, pero may mga suwerte ka rin na kailangang lapitan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-12-23-34-42-45.
CANCER (June 21-July 22) - Bibilis ka ngayon. Gayunman, mag-ingat ka sa pagdedesisyon, nang sa gayun ay ‘di ka magsisi. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-17-26-30-37-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Malaya mong magagawa anumang gusto mo. Ang payo ay nagsasabing ang dapat mong gawin ngayon ay ‘yung bagay na mapapakinabangan mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-13-15-18-22-31.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dagdag-suwerte ang mapapasaiyo. Kumbaga, ang mga naunang suwerte ay puwede pang lumaki at dumami. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-19-25-38-40-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pag-isipan mo munang mabuti ang gagawin mong pagpapasya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-12-22-24-36-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sakyan mo lang ang mahaharot at palabiro, dahil lihim na maililipat sa iyo ang mga suwerteng nasa kanila. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-16-20-37-41-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magbawas ka ng hawak mo. Ito ang paraan upang magdatingan sa iyo ang malalaking suwerte. Muli, magbawas ka muna ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-17-26-34-36-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Isuot mo ang paborito mong kasuotan kahit pa nasa loob ka lang ng iyong bahay. Ito ang magsisilbi mong pampasuwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-14-27-30-33-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakagugulat ang paraan kung paano ka susuwertehin dahil ang simpleng pakikipagkuwentuhan lang pala ang mag-aangat sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-18-28-35-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Anuman ang binabalak mong gawin, gawin mo na! Dahil tiyak na magtatagumpay ka ngayon. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-2-16-20-27-33-38.
Comments