ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Jan. 4, 2025
Sa may kaarawan ngayong Enero 4, 2025 (Sabado): Kaya mong paunlarin at payamanin ang iyong sarili, lalo na kung hindi mo uunahin ang iba. Kaya ang payo sa iyo ay ‘wag kang magpapagamit.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi mo kailangan ang tulong ng iba, lalo na kung hindi mo naman talaga sila kilala o ka-close. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-16-19-26-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - ‘Wag mo nang kontrahin ang mga taong sumasalungat sa mga kagustuhan mo. Kahit hindi mo magustuhan ang pananalita nila, may makukuha ka pa ring magandang aral dito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-14-21-24-29-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Kapag nakaranas ka ng pagkaantala, isipin mong mensahe ito na muli mong suriin ang mga balak mong gawin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-13-19-25-37-40.
CANCER (June 21-July 22) - Marami kang masasaktan ngayon, kaya umiwas ka agad sa mga taong kinaiinisan mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-24-28-30-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ang bunga na mahirap kunin, tiyak na masarap kainin. Kaya kung nahihirapan ka ngayon, magpasalamat ka dahil tiyak na hindi pangkaraniwang ligaya ang iyong matitikman sa hinaharap. Masuwerteng kulay-mocha brown. Tips sa lotto-2-20-23-29-31-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mamuhunan ka ng pagsisikap, nang sa gayun ay mabilis kang umasenso. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-17-22-25-32-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makakagawa ka ngayon ng mga bagay na hindi magugustuhan ng mga taong malalapit sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-15-24-28-36-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang nakikita mo, iyon ang totoo. Ingatan mong maniwala sa mga bagay na laman lamang ng iyong puso’t isipan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-16-25-27-38-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung hindi man sila umaayon sa plano mo, ‘wag mo na itong ituloy at baguhin mo ito agad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-12-24-33-37-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kikilos ng palihim ang mga inggit na inggit sa iyo at mas lalo silang maiinggit dahil mas lalo pang gaganda ang buhay mo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-22-26-35-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makakaranas ka ngayon ng dahan-dahan na pagganda ng iyong buhay. Maging masinop at mapagpahalaga ka sa mga bagay na nasa sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-11-28-30-33-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sukatin mo kung ano ang kaya ng mga taong lumalapit sa iyo. Sa ganitong paraan, mas mabilis mo silang mauunawaan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-23-29-38-40.
Comments