top of page
Search

Horoscope | Enero 31, 2025 (Biyernes)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Jan. 31, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Enero 31, 2025 (Biyernes): Walang katapusang biyaya ang mapapasaiyo, dahil na rin sa iyong kabaitan at pagiging maunawain.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang basta-bastang maaawa, dahil maaari ka nilang madaya ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-18-29-33-43-52.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mahalin mo muna ang sarili mo, nang sa gayun ay matupad mo ang banal na utos na mahalin natin ang ating kapwa tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-8-11-16-20-24.


GEMINI (May 21-June 20) - Tanggalin mo ang kanegahan mo. Bagkus, tumulad ka sa mga batang malaya at masayang naglalaro. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-18-24-28-30-37.


CANCER (June 21-July 22) - Iyo ang araw na ito. Ngayon mo na magagawa ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa noon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-19-21-26-34-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang manghusga. Ang mga taong akala mo’y mahina, sila pa pala ang makakatulong sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-17-28-39-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mag-ingat ka ngayon. Pag-aralan mong mabuti ang mga bagay na gusto mong gawin sa buhay at iwasan mo rin ang mabilisang pagpapasya at agarang pagkilos. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-15-21-31-38-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag matigas ang ulo mo. Kung hindi maganda ang opinyon ng iyong kausap na may mas alam sa iyo, huwag mo nang ituloy ang binabalak mong gawin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-28-35-38-40-51.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pabor ang langit sa mga pinaplano mo. Kaya kung ikaw ay naduduwag, huwag kang mag-alinlangan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-17-22-24-37-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahina ka ngayon. Kaya may ibibigay sa iyo ang langit, pero iwasan mong mahulog sa kanya dahil pansamantala lang siya sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-21-27-39-41-54.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang mawalan ng pag-asa, dahil ngayon bubuhos ang tulong mula sa iyong kapwa at langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-07-19-27-38-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mag-aalinlangan ka ngayon at kakaiba ito sa nagdaang araw. Kaya naman, mas lalong lalakas ang loob mo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-15-17-23-37-47.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mabibigo ang iyong mga kaaway, dahil sa kagustuhan nilang saktan ka. Sa katunayan, sila pa mismo ang makakaani ng sakit at kahihiyan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-16-23-38-40-42.

Recent Posts

See All

Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page