ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Jan. 3, 2025
Sa may kaarawan ngayong Enero 3, 2025 (Biyernes): Hindi ka mananatili sa ibaba at hindi ka para sa ibaba, bagkus itinalaga ka sa mataas na puwesto. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ingatan mong magmalaki kahit pa sabihing may karapatan kang magmalaki. Maganda pa rin manatiling kapantay ng mga nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-13-29-30-32.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Taas-baba ang iyong kapalaran pero sa pagkakataong ito, itataas ka lang nang itataas dahil sa malinis at wagas mong harangin sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-15-26-31-39-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Inuutusan ka ng langit na magsumikap ngayon. Huwag kang susuko kahit pa nahihirapan ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-14-23-28-30-44.
CANCER (June 21-July 22) - Ididikit ka ng langit sa mga taong puwedeng makatulong sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-12-24-35-38-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong bungguin ang malakas, hindi dahil mas malakas sila kesa sa iyo, kundi dahil puwede mong gamitin ang kanilang kakayahan para sa iyong pakinabang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-20-24-37-39-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Aangat ka nang aangat ka ngayon. Ito ang mensahe sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown mocha. Tips sa lotto-5-11-16-27-36-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Papasarap nang papasarap ang buhay mo. Kaya naman, ‘wag kang magsawang magpasalamat sa itaas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-12-23-26-34-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ulitin mo lang ang ginawa mo noon na kung saan hinamon ka ng iyong kapalaran na sa una ay feeling mo hindi mo kakayanin, ngunit nang lumaon ay kayang-kaya mo naman talaga. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-27-31-37-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi mahalaga kung ano ka ngayon at kung may ginawa ka para sa buhay mo. Noon pa nagpasya ang langit na bigyan ka ng mga suwerteng labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-16-22-24-33-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pansinin ang mga taong mapanghusga. Hindi naman nila alam kung ano ang nararanasan mo at kung ano ang tunay na dahilan ng mga ikinikilos mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-11-28-37-41-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tanggapin mo ang ibinibigay sa iyo upang ‘di siya magsawang bigyan ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-14-26-32-39-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipakita mo sa langit na masinop ka, nang sa gayun ay tuluy-tuloy kang makatanggap ng malalaking biyaya at pagpapala. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-16-22-29-35-42.
Commentaires