top of page
Search

Horoscope | Enero 29, 2025 (Miyerkules)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Jan. 29, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Enero 29, 2025 (Miyerkules): Marami ang aasa sa iyo. Ang papel mo sa mundo ay bigyang lakas ang mga mahihina at kapuspalad.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang maawa. Maaari mo silang tulungan, pero hindi ka puwedeng pumasan ng kanilang mga problema. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-11-17-20-34-37.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi madaling magtagumpay.  Kaya pagkatapos ng iyong pagsasakripisyo, hirap at lungkot, ang kaunlaran at ligaya naman ay mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-18-24-27-34-45.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Kapag nagtanim ka, tiyak na may aanihin ka. Habang ang mga taong walang ginagawa ay wala ring mapapala. Kaya naman, magpursige ka na ngayon! Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-12-28-30-32-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Iyo ang araw na ito. Kaya sabihin mo na ang lahat ng pinakagusto mo sa buhay, dahil ngayon ka pagbibigyan ng langit. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-17-25-36-38-40.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Ang taong mapagbigay ay hinahangaan, subalit sila rin ay kinakaawaan. Dahil ang mga tao na kanilang tinulungan ay nakakalimot din sa huli. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-15-28-31-35.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lumayo ka sa mga pabigat sa buhay mo. Kapag patuloy kang nahirapan, hihina ang katawan at kalusugan mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-19-21-23-37-42.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tapusin mo muna ang mga bagay na dapat mong tapusin at huwag ka munang magsimula ng bagong kabanata ng buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-18-27-30-39-41.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mag-ingat ka sa mga tumutulong sa iyo. May ilan d’yan na tutulungan ka, pero ang kapalit ay kapahamakan sa huli. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-14-21-26-34-40.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sumuko kana kung hindi mo na kaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-16-24-29-33-34.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mag-ingat ka sa pagpapakita ng kabaitan. Nagkalat na ang mga taong mapagsamantala ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Masuwerteng numero-8-17-23-26-37-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Suwerte ka sa mga kaibigan mo. Kahit nasa malayo sila, maaasahan mo pa rin sila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-7-22-31-34-42.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mamasyal ka. Kailangan mo rin lumabas, dahil ang pananatili sa loob ng bahay ay magreresulta sa panghihina at pananamlay mo. Masuwerteng kulay-mocha brown. Tips sa lotto-4-8-11-14-27-36.


0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page