ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Jan. 25, 2025
Sa may kaarawan ngayong Enero 25, 2025 (Sabado): Ang mga suwerte mo ay magmumula sa malayo at malapit. Gayunman, sinupin mo pa rin ang mga suwerteng iyong matatanggap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka muna makakakilos nang maayos dahil ang mga magagandang ideya ay kasalukuyang nagpapagulo sa isip mo. Huwag mo munang gawin ang mga ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-11-15-28-33-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Patuloy na gaganda ang takbo ng buhay mo, lalo na kung mananatiling positibo ang iyong mga pananaw. Huwag na huwag kang mawawalan ng tiwala iyong sarili. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-10-14-29-37-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Ililigaw ka ng iyong sarili. Ibig sabihin nito ay tama ang iyong naging pasya, subalit papalitan mo na naman ito na magiging dahilan ng kung ano-ano’ng problema. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-16-20-26-35-43.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang magpapatangay sa iyong damdamin. Kadalasan, ito pa ang nag-uudyok para hanapin ang ligaya bago ang magandang kinabukasan. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-18-21-23-28-30-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lumayo ka sa mga taong mapagkunwari. Kilala mo sila, kaya hindi ka nila madadaya. Marami silang dumidikit sa iyo kaya hindi ka nila puwedeng mabiktima. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-14-28-34-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tagalan mo ang pag-aanalisa sa mga bagay na gusto mong mangyari. Kapag hindi mo pinag-aralang mabuti ang iyong pasya, puwede kang magkamali. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-16-22-38-40-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Malakas ang karisma mo ngayon. Dahil sa taglay mong panghihikayat, makukuha mo ngayon ang mga bagay na walang kahirap-hirap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-18-21-24-35-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw na inilaan sa iyo ng langit.
Mabilis na ipagkakaloob sa iyo ang mga simpleng bagay na iyong hiniling. Ang mga bagay na noon mo pa gustung-gusto ay tiyak ding mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-14-22-27-38-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Madali kang maloloko. Kaya naman, magsaliksik at magtanung-tanong ka muna sa iyong pinagkakatiwalaan at huwag kang basta-bastang maniniwala. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-12-21-28-30-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sundin mo ang tama. Pero kung nag-aalinlangan ka, huwag mo na muna itong sundin. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-8-15-26-35-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Panatilihin mong matamis ang pagmamahalan. Huwag mong hayaan ang mga maliliit na bagay ang maging dahilan upang magulo ang inyong buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-13-20-38-40-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyo ang araw na ito. Puwede mo nang gawin ang mga nais mong gawin na dati ay kinokontra ng iba. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-22-25-37-41.
Comments