ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Jan. 24, 2025
Sa may kaarawan ngayong Enero 24, 2025 (Biyernes): Kahit ikaw pa mismo ang gumawa ng ikapapangit ng buhay mo, hindi pa rin magsasawa ang langit na ayusin ang kapalaran mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kusang pagagandahin ng kapalaran mo ang mga kasalukuyan mong nararanasan. Tulad noon, kumikilos ang iyong kapalaran para sa ikayayabong ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-12-28-34-38-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Madali mong magagawa anumang gusto. Huwag mo nang sayangin pa ang magandang pagkakataong ito – gawin muna ang mga hindi mo pa nagagawa! Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-11-18-24-33-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Iwasan mong tumagal sa isang masarap na kuwentuhan, dahil baka ito pa ang maging ugat ng problema. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-15-21-30-37-44.
CANCER (June 21-July 22) - Muling lalakas ang taglay mong gayuma. Puwede mo itong magamit sa pagpapaunlad ng iyong negosyo at para rin makapang-akit ng mga bagong suki. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-16-19-25-35-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang mabahala sa mga kakaiba nilang tingin, sila ang dapat na mag-alala. Dahil hindi ka naman nila kayang bihagin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-13-17-20-23-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ang pinakamagandang panahon para bigyang pansin ang iyong buhay pag-ibig. Isang masayang balita, dahil ang mga problema na halos sumira sa buhay mo ay tapos na. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-14-22-29-31-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sa iyo ang araw na ito. Ang mga kontrabida sa buhay mo ay mapapahiya at ang mga naghahangad na mabigo ka ay makakaranas ng kamalasan sa buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-11-18-26-30-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kailangan mo rin magsaya ngayon, kung hindi ka pa nakakapamasyal sa malayong lugar. Maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng pakikipagkuwentuhan sa masasayang nilalang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-15-23-36-40-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umiwas ka sa mga taong may mahihinang kalusugan. Hindi ka puwedeng magkasakit lalo na sa panahon ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-14-25-32-38-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi matatapos ang iyong mga obligasyon, habang ginagawa mo ito, maaaring mo ring ikunsidera ang panandaliang pamamahinga. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-16-20-27-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ang iyong kapalaran dahil mas gugustuhin mo sa labas ng bahay. Kahit sa totoo lang ay wala ka namang tiyak na pupuntahan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-12-24-33-34-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang kahali-halina sa iyong paningin, iyon ang iyong piliin. Masuwerte ka dahil ang mapipili mo ngayon ay nagtataglay rin ng gandang panloob. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-19-22-31-37-40.
Comments