top of page
Search
BULGAR

Horoscope | Enero 20, 2025 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Jan. 20, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Enero 20, 2025 (Lunes): Hindi ka bibiguin ng kapalaran mo ngayon kahit pa magkamali ka ng diskarte. Makakaasa ka na matutupad na ngayon ang mga pangarap mo sa buhay.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Damdamin mo ang sundin mo ngayon, nang sa gayun ay matuwa sa iyo ang langit. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-20-26-28-34-37.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Malaking suwerte ang makakasingit sa kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-11-18-23-31-35.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Pagpapahingain ka ngayon ng langit, nang sa gayun ay mas lalo kang lumakas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-24-27-32-45.

 

CANCER (June 21-July 22) - Ngayon na magsisimula ang araw kung kailan ka makakaranas ng saya, ligaya at magagandang bagay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-22-28-31-37-43.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Patuloy ka pa rin makakaranas ng mga suwerte. Ito ang regalo sa iyo ng langit. Kaya ‘wag kang mapagod na magpasalamat sa itaas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-16-20-25-30-38.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sabihin mo kung ano ang gusto mo. Huwag mo na itong habaan pa, dahil kapag hinabaan mo pa ito, mag-aalinlangan ka lang. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-13-19-21-27-38-42.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mo dapat paghaluin ang problema sa pag-ibig at trabaho. Ngayon ang magandang araw para sa pagsasaayos ng mga bagay na may kinalaman sa trabaho. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-15-18-20-25-31.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mata sa mata, ngipin sa ngipin”, ito ang huwag na huwag mong gagawin ngayon. Hindi ka kabilang sa mga taong may galit sa mundo, bagkus ikaw ay kabilang sa mga hinahangaan nang dahil sa pag-ibig at kahinahunan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-19-22-34-41.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag malungkot kapag naisahan ka nila. Mas maganda na kaawaan mo ang mga gumagawa sa iyo ng pagkakamali. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-12-24-33-34.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Papalit-palit lang ang lungkot at saya, pero hindi papayag ang langit na patuloy kang malungkot. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-15-22-32-38-42.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Babanat ang mga naghahangad na mabigo ka. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-14-19-21-35-37.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mawawala ang mga anino ng kalungkutan dahil sa maliwanag mong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-15-17-27-34-45.

Recent Posts

See All

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page