ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Jan. 19, 2025
Sa may kaarawan ngayong Enero 19, 2025 (Linggo): Maraming suwerte ang nakalaan sa iyo. Kaya ‘wag mong kaligtaan na magpasalamat lagi sa itaas.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sasaya ka kahit pa yakapin mo ang kalungkutan. Gayunman, wala namang dahilan para malungkot ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-19-24-30-39-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hinahabol ka ng mga suwerte ngayon. Kaya magdahan-dahan ka sa mga aktibidad na wala namang mahalagang kauuwian. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-12-16-29-32-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Marami kang suwerte na mararanasan ngayon, gayunman magugulat ka pa rin dahil aakalain mong ‘di na ito masusundan pa. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-19-25-27-35-41.
CANCER (June 21-July 22) - Kalimutan mo na ang mga problema, dahil ngayon ka dapat magsaya upang mawala na ang iyong mga suliranin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-18-24-28-35-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Iyo ang araw na ito. Magugulat ka sa mga magaganap dahil ang mga kontrabida sa buhay mo ay mamalasin at papangit pa ang takbo ng kanilang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-19-25-34-36-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dumikit ka sa mga masayahin para buwenasin ka. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-15-18-22-39-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makikitang nagsasawa ka na sa masarap na buhay. Gayunman, iprayoridad mo pa rin ang simpleng buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-12-24-31-33-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit sobrang abala mo, hindi mo dapat kalimutan ang sarili mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-19-25-30-37-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang sumugal, lalo na kung hindi naman bagay sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-18-24-33-38-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aalalayan ka ng langit ngayon. Sa katunayan, palagi ka naman talaga Niyang inaalalayan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-12-14-29-39-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kakambal mo ngayon ang mga suwerte. Mapapahiya ang mga taong nag-aakalang mamalasin at mabibigo ka sa mga gusto mong mangyari. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-12-15-26-30-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ikaw lang ang kikilos, hindi mo kakayanin at makukuha ang bagay na gustung-gusto mo. Kaya humingi ka ng tulong sa mga kaibigan mo na handang umalalay sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-13-16-28-35-41.
Comments