ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Jan. 16, 2025
Sa may kaarawan ngayong Enero 16, 2025 (Huwebes): Huwag kang matakot na makipagsapalaran sa ibang bansa. Lakasan mo ang loob mo dahil ito mismo ang sikreto mo para matupad mo ang iyong mga pangarap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamitin mo ang mayaman mong imahinasyon para mapaunlad mo ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-11-14-23-40-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagbabalita ang araw na ito na paparami nang paparami ang mga magagandang mong kapalaran. Gayunman, huwag mo pa ring kaligtaan na magpasalamat sa itaas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-18-21-25-34-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Kung ano ang tuwid at tama, ru’n ka! Sundin mo ito para maayos mo agad ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-15-28-30-33-36.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong ikulong ang sarili mo sa pag-iisa at kalungkutan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-16-22-27-39-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bubukas ang pintuan ng grasya sa langit. Kaya naman, ihanda mo na ang iyong sarili sa malaking suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-19-29-31-34-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mag-ingat ka sa mga pangakong wala namang laman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-14-24-38-40-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kailangan mong tanggapin na rito sa mundo, may mga taong nabibigo at nagtatagumpay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-12-23-25-35-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pahinga ang kailangan mo ngayon at puwede mo pang bagalan ang mga pagkilos mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-20-31-37-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumilos ka na para bang nakuha muna ang gusto mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-9-16-22-38-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang malungkot kung may mga bagay na nawala sa iyo. Mas maganda kung magpapakasaya ka habang naghihintay ng suwerte. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-11-13-26-28-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo mapipigilan ngayon ang mabilis na pagpaplano na mamasyal. At mas lalong ‘di ka maawat na lumabas ng bahay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-14-19-25-36-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isama mo ang mga taong masayahin at iwan mo naman ang mga taong malulungkot. Ito ang susi para gumuhit sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-17-24-35-37-43.
Comentarios