ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Jan. 14, 2025
Sa may kaarawan ngayong Enero 14, 2025 (Martes): Bilis ang magdadala sa iyo sa tagumpay at ito ang sandata mo ngayon. Kaya mula sa araw na ito, hindi ka dapat babagal-bagal.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong tagalan ang pagbuo ng plano na may kinalaman sa pagpapayaman, dahil baka maunahan ka pa ng iba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-11-12-20-32-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung saan ka masaya, iyon ang piliin mo. Wala namang taong gustong malungkot. Kaya ang masasayang aktibidad ay huwag na huwag mong palalampasin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-19-24-26-36-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Magpakasaya ka. Gayunman, malilito ka pa rin sa kung ano ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-18-21-28-31-43.
CANCER (June 21-July 22) - Mag-uumapaw ang damdamin mo ngayon dahil sa pagmamahal. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-16-22-29-34-44
LEO (July 23-Aug. 22) - Maging alerto ka sa kakayahan mo lalung-lalo na sa pananalapi. Tandaan mo, ang kaligayahan ay napapalitan ng kalungkutan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-9-14-26-33-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mababawasan ang ligaya mo kapag hindi ka nakalaya sa mga negatibong bagay na naglalabas-masok sa isipan mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-14-28-30-37-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong sayangin ang maliligayang araw at huwag mong kaligtaan na sa pagiging malaya, ang tao ay tunay na lumiligaya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-15-27-29-38-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pansamantalang kaligayahan ang mararanasan mo ngayon. Kaya huwag mong kalimutan maging matalino. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-17-21-33-37-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi nabubuhay ang tao para lang sa pagtutok sa hanapbuhay. Kailangan n’yo ring tutukan ang personal na kaligayahan at kung paano kayo sasaya sa piling ng iyong mga minamahal sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-8-20-25-30-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Unti-unti na namang dumarami ang iyong pera at muli kang makakakabig ng materyal na bagay at mga ari-arian. Ituloy mo lang ang pagtitipid at makikita mo, yayaman ka na! Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-17-21-28-36-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi nagsisinungaling ang mahiwagang salamin sa dingding. Ikaw ay mananatiling kaakit-akit sa lahat. Subalit, mag-ingat ka dahil dumarami na ang mga taong naiinggit sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-10-19-27-39-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bago mawala sa loob mo, may mga suwerte ka mula sa malayo. Gayunman, ‘wag mong kalimutan na makipag-ugnayan sa malayo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-16-20-25-38-44.
Comments