top of page
Search
BULGAR

Horoscope | Enero 13, 2025 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Jan. 13, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Enero 13, 2025 (Lunes): ‘Wag kang papatangay sa iyong emosyon. Pag-aralan mo munang mabuti ang bawat ikinikilos mo. Ang mga taong sumusunod sa damdamin ay nasasaktan.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magtanong ka, lalo na kapag hindi mo alam. Sa pagtatanong, nadaragdagan ang kaalaman. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-18-20-28-39-41.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi masama ang umatras, ang masama ay ang sumugod nang hindi handa. Magpalakas ka muna at kapag malakas ka na, saka mo tahakin ang landas ng iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-21-29-34-37-40.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Pahalagahan mo ang magandang pagsasamahan ng magkakaibigan. Makibahagi ka rin sa mga aktibidad. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-10-19-24-26-34.

 

CANCER (June 21-July 22) - Kunin mo ang aral sa buhay mula sa karanasan ng isang kakilala. Magagamit mo ito kapag ikaw naman ang naharap sa parehong sitwasyon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-14-22-25-38-42.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Ituloy mo lang ang gusto mong gawin. Ang kabiguan ay pansamantala lamang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-13-27-31-37-41.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magpahinga ka. Sa ganitong paraan, mabilis na madaragdagan ang sigla ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-mocha. Tips sa lotto-5-16-20-26-36-42.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mo kailangan ang iba para lang gumanda ang iyong kapalaran. Pero kung may taong mag-aalok sa iyo ng tulong, tanggapin at pasalamatan mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-15-25-27-34-37.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pinaghahandaan ang kinabukasan. Kaya kumilos ka para magkaroon ka ng matatag at maunlad na hinaharap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-28-31-35-42.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magbawas ka ng pasanin para gumaan ang buhay mo. Ang una mong bawasan ay ang mga taong pabigat na hindi naman nagsusumikap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-13-16-25-30-33.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bawat tanong, may kasagutan. Pero ang payo sa iyo ay huwag kang sagot nang sagot. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-15-26-32-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong biguin ang lumalapit sa iyo. Ikaw ang nilapitan nila, dahil alam nila na hindi sila mapapahiya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-14-19-23-35-44.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Harapin mo ang kalaban mo. Mas mahina siya kesa sa iyo. Sa biglang tingin lang naman siya malakas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-16-18-27-37-41.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page