ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Jan. 11, 2025
Sa may kaarawan ngayong Enero 11, 2025 (Sabado): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte ngayong taon. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mapapalapit ka sa taong akala mo’y hindi makakatulong sa iyo at siya pa pala ang sagot sa iyong mga problema. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-21-30-36-41-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makikitang napapabayaan muna ang iyong sarili. Gayunman, mahalin at ingatan mo ang iyong sarili, dahil sa totoo lang, wala kang maaasahan sa iba. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-12-24-38-31-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Ikaw lang ang may kakayahan na baguhin ang takbo ng isip ng mga taong naguguluhan. Iparamdam mo sa kanila na masarap pa ring mabuhay sa mundo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-14-22-27-41.
CANCER (June 21-July 22) - Unahin mo ang pagpapalago sa kabuhayan mo. Ngayon ang tamang panahon para dito. Kaya hindi ka puwedeng maligaw ng landas ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-10-25-29-37-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw para sa pagkakawanggawa. Makakaasa ka na ang langit mismo ang magbibigay sa iyong ng kapalit sa ipagkakaloob mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-17-22-30-35-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong kunsintihin ang mga taong walang magandang motibo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-19-25-27-34-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mababa ngayon ang mga luha mo. Mas makakabuti kung maglilibang ka. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-15-29-33-36-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi masama ang humingi ng tulong. Pero, huwag kang lalapit sa alam mong magpapahamak sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-13-27-30-37-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dagdag-tulong ang ibibigay sa iyo ng langit. Pero, puwede mo itong lakihan tulad ng isang mayabong na punong kahoy. Magpasalamat kang lagi sa itaas. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-25-28-34-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag ayaw mo, dapat ayaw mo. Gayunman, bago ka umayaw, isipin mo munang mabuti upang wala kang pagsisihan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-15-17-20-27-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kikilos ang kapalaran mo para muli mong maranasan ang maligayang buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-23-29-31-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung hindi mo makuha ngayon, huwag mong ipilit. Maghintay ka pa ng magandang pagkakataon . Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-22-27-33-35-42.
Comments