top of page
Search
BULGAR

Horoscope | Enero 10, 2025 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Jan. 10, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Enero 10, 2025 (Biyernes): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte. Ito ang tandaan mo ngayon.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magtiwala ka sa sarili mong kakayahan. Pakinggan mo ang mga payo para sa iyo. Gayunman, mas paniwalaan mo pa rin ang iyong galing at husay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-14-20-24-35.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Marami ang manghihimasok sa buhay mo ngayon. Para hindi sumakit ang ulo mo, magkunwari ka na lamang nakikinig. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-12-23-27-38-45.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Magsaya ka! Isinilang ka para lumigaya. Pero, paghandaan mo pa rin ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-17-25-41-43.

 

CANCER (June 21-July 22) - Iyo ang araw na ito. Sinumang magtangka na bigyan ka ng kalungkutan ang siyang makakalaban ng langit. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-18-22-34-36-42.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong hayaan na maapektuhan ka ng mga taong negatibo, dahil masisira lang nila ang diskarte mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-19-27-31-33-35.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Itago mo ang galing mo, dahil may magtatangkang kopyahin ang mga ideya mo ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-16-38-40-45.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Unahin mong pasayahin ang sarili mo. Tulad ng pagpapasaya mo sa mga tao. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-18-23-31-39-42.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magsuot ka ng masasayang damit para sumaya ka rin. Kapag nagsuot ka ng kupas na damit, asahan mong mababawasan ang sigla mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-20-24-34-36-41.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magtira ka kahit konti para sa iyong kinabukasan, dahil ito ang susi ng pagyaman mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-18-26-30-37-45.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi nawawala ang araw, kahit pa sabihing madilim ang kalangitan. Kaya naman, hindi rin mawawala ang mga suwerte mo kahit pa dumaan ka sa mga mabibigat na pagsubok. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-21-34-40-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang matakot na makipagsapalaran. Sa katunayan, pinanganak ka na punumpuno ng pakikipagsapalaran sa buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-13-25-35-38-45.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Samantalahin mo ang araw na ito at ang ilang mga araw pang darating na kung kailan ay magagawa mong dagdagan pa ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-16-18-22-31-39.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page