ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Dec. 4, 2024
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 4, 2024 (Miyerkules): Marami ang susuwertehin dahil sa iyo. Kaya naman unahin mo muna ang iyong sarili bago ang iba.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pilitin na intindihin ka nila, dahil sa ayaw o sa gusto man nila, kailangan ka pa rin nilang unawain upang magkaroon sila ng pag-asa sa buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-19-24-28-30-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang papayag na palabuin pa ang isang malinaw na senaryo. Ang mga nabuo mong plano ay gawin mo na agad ngayon, dahil ito ang magbibigay sa iyo ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-15-21-25-28-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka mababaw, sa katunayan, malalim ang iyong personalidad. Ito ang tunay na dahilan kung bakit naghahanap sila ng salitang maglalarawan sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-14-29-38-40-45.
CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na para sa iyo. Ngayong nalalapit na ang araw ng Kapaskuhan, humiling ka! Makikita mo, ito ay tiyak na matutupad at magkakatotoo. Kaya ano pang hinihintay mo? Hiling na! Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-16-20-32-36-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Suportahan mo ang malalapit sa iyo, huwag kang humiling sa mga hindi naman tunay na kaibigan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-17-22-26-30-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ikaw ang tagapamagitan, kaya wala kang dapat kampihan ngayon. Ang tutukan mo ay kung paano magkakasundo ang dalawang panig na hindi magkaintindihan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-11-15-28-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sa panahong ito na nalalapit na ang Kapaskuhan, may malaking tulong na manggagaling mula sa mga nagmamahal sa iyo. Tanggapin mo ito at ‘wag na ‘wag mo itong tatanggihan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-27-32-39-41-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumayo ka sa mga taong hindi magkaintindihan. Huwag mo na silang subukang pag-ayusin pa dahil madadamay at namomroblema ka lang sa kanila. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-19-26-29-34-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi mo kailangan ang alalay. Lalo na kung makikialam lang sila sa diskarte mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-10-14-27-32-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Marami kang mabibigyan ng suwerte, pero agad ka rin nilang makakalimutan. Kaya sa susunod na tutulong ka, matuto kang pumili ng pakikisamahan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-18-21-25-28-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ikaw ang magsisilbing lakas at sigla ng mga umaani ng tagumpay ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-17-23-30-33-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Wala sa malayo ang suwerte mo. Nakalimutan mo na ba na ang mga malalapit mong kaibigan ang nakaalalay lagi sa iyo? Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-1-13-22-26-38-40.
Comments