top of page
Search
BULGAR

Horoscope | Disyembre 30, 2024 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Dec. 30, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 30, 2024 (Lunes): Kahit saan ka pumunta, dala mo pa rin ang suwerte. Kaya tiyak na susuwertehin ang sinumang didikit sa iyo. Gayunman, unahin mo pa rin ang iyong sarili para hindi ka magsisi.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pansinin ang mga reklamador dahil baka mahawa ka lang sa kanila. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-yellow.  Tips sa lotto-4-19-20-38-40-41.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka ayon sa gusto mo. Hindi makakabuti kung ang mga kilos mo ay ayon lang sa dikta ng iba. Huwag na huwag kang magpapaimpluwensya. Ito ang bilin ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-21-23-27-30-42.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Kung ano ang utos sa iyo, iyon ang sundin mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-19-20-29-39-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong paghaluin ang problema sa bahay at trabaho. Ang pinakamagandang gawin mo ay kumilos na para bang wala kang inaalala. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-17-22-23-38-40.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi maganda kung magpapaapekto ka sa iba. Ituloy mo lang ang pagiging masinop mo. Ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue Tips sa lotto-15-17-24-25-30-40.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pabayaan ang sarili mo lalo na kapag may nararamdaman kang pagtingin sa iba. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-21-28-30-32.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lumalago ang maliit na halaman hanggang sa  maging mayabong na punongkahoy. Huwag kang mag-alala ang maliit mong suwerte ngayon ay lalaki rin ‘yan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-15-29-39-40-41.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lagyan mo ng saya ang mga kilos at pagsasalita mo. Ang saya, kahit pa gaano kaliit ay nagsisilbi ring pang-akit sa mga suwerteng nasa paligid. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-21-22-24-33-42.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magplano ka muna bago ka kumilos. Naabot mo na ang kalagayan mo ngayon dahil sa kakaibang galing at husay mo sa pagpaplano. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-14-16-27-33.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sa langit ka kumapit at huwag sa mga taong  walang pagpapahalaga sa kabuhayan. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown mocha. Tips sa lotto-15-20-21-25-31-34.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumukupas ang lahat. Pero para sa iyo, ang mga kumupas ay muling mananariwa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-29-30-38-40-41.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hawak-hawak mo ang kapalaran nila. Sa biglang tingin, ito ay maganda, pero ang payo ay nagsasabing turuan mo silang mabuhay sa sarili nila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-17-20-22-24-37.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page