ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Dec. 29, 2024
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 29, 2024 (Linggo): Huwag kang magbabago kahit pa madalas kang dayain at lokohin ng mga malalapit sa iyo, dahil hindi ka naman pababayaan ng langit at palagi ka Niyang huhulugan ng mga suwerte sa buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kalma lang, ito ang iyong kailangan lalo na kapag naharap ka sa mga hamon ng kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-19-20-29-30-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iiral ngayon ang pagiging maawain mo. Kaya naman, mag-ingat ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-10-14-15-28-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Sarili mo ang kalaban mo ngayon. Kapag naawa ka sa mga karibal at kakumpitensya mo, malalagpasan ka nila. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-22-26-28-39.
CANCER (June 21-July 22) - Muling ibinalik ng langit ang mga araw na ikaw ay mapalad at hindi mo na kakailanganin pang magsumikap para lang suwertehin ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-22-27-31-36-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Malilito ka dahil ikaw mismo ay makakaramdam ng lamig, kaya naman hindi mo agad matutukoy kung ano ba talaga ang gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-20-24-37-39-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang kukurap at para magawa mo ito, ‘wag mong sundin ang damdamin mo. Ang kumukurap habang lumalaban sa hamon ng kapalaran ay kadalasang natatalo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-13-15-28-32-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ito ang araw na papipiliin ka ng iyong kapalaran, pag-ibig o materyal na bagay? Ano ang iyong piliin? Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-14-16-22-27-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Iyo ang araw na ito, maaari kang umabante ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-15-21-24-28-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang makinig sa payo ng iba, bagkus sunduin mo kung ano ang nais mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-10-17-18-27-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang magandang araw para sa pagkakawanggawa. Sa ngayon, tiyak na pagpapalain ka sa gagawing mong pagpapakita ng pagmamahal sa iyong kapwa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-13-14-27-30-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bakit ba sinasama mo pa ang iba sa plano mo na paunlarin ang sarili mo? Unahin mo ang iyong sarili at saka mo tulungan ang mga taong gusto mong tulungan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-10-15-27-28-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Aalalayan ka mismo ng langit. Lakasan mo ang loob mo sa anumang bagay na gusto mong gawin, dahil tiyak na hindi ka mabibigo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-20-22-24-38-40.
Comments