ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Dec. 24, 2024
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 24, 2024 (Martes): Nasa sa iyo ang pagkakataon para mas gumanda pa ang buhay mo. Kaya piliin mong pagandahin ang iyong kinabukasan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sundin mo kung ano ang maganda sa paningin mo, nang sa gayun ay magkaroon ka ng inspirasyon. Hindi ka ganap na magtatagumpay kung wala kang inspirasyon sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-18-20-23-38-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bibigyan ka ngayon ng magandang pagkakataon para mas mapabuti mo pa ang iyong kalagayan. Tutukan mong mabuti ang mga plano mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-17-21-24-28-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Napapaligiran ka ng mga tukso ngayon. Ang iba sa kanila ay sobrang lakas, gayunman kung uunahin mo ang pagpapalago ng kaban ng iyong yaman, mababalewala lang silang lahat. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-15-22-24-39-44.
CANCER (June 21-July 22) - Muling nagbalik ang lakas ng iyong karisma. Puwede mo itong mapakinabangan para magkaroon ka ng masarap na buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-14-26-33-40-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Masyado kang tutok sa mga taong dumadaya sa iyo, kaya hindi umuunlad ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-10-15-27-31-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka dapat malibang sa sarap na buhay. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-16-22-25-32-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyo ang araw na ito. Huwag mong hayaan na maungusan ka ng mga taong inggit sa iyo. Gamitin mo ang masuwerteng araw na ito para mas gumanda pa ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-21-27-37-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang pinili mo, iyon ang pagbutihin mo. Huwag kang tumulad sa iba na namili pero ang pinili ay ayaw namang lakipan ng kaukulang pagkilos. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-13-20-37-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Wala kang ibang maaasahan sa kapwa mo, lalo na sa mga natulungan mo. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-19-21-25-39-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mo na silang gantihan. Mas magandang isabuhay ang sinasabing may karma rin para sa kanila. Ito ang ganti ng kapalaran sa masasama. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-12-20-30-36-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bakit papansinin mo ang mga mapanghusga? Hayaan mo sila, dahil tiyak na langit mismo ang magbibigay ng kaparusahan para sa kanila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-17-20-29-38-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayong nalalapit na Kapaskuhan, inaanyayahan kang mangarap ng bagay na nais mong matanggap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-15-17-22-34.
Comments