ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Dec. 19, 2024

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 19, 2024 (Huwebes): Isinilang ka para lumigaya at magkaroon ng masarap na buhay, hindi para mahirapan. Kaya makikitang ang mahihirap na hanapbuhay ay hindi tugma sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung saan ka madadalian, ‘yun ang piliin mo. Ang mahihirap na gawain ay huwag munang subukan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-19-25-33-38-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dadalawin ka ng mumunting mga suwerte na magsisilbi mong binhi para sa malaking gantimpala. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-18-21-27-35-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Muling kikislap ang iyong kapalaran. Marami na naman ang masisilaw sa iyo. Pero mag-ingat ka, dahil ang mga walang karapatan ay magtatangka ring maging bahagi ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-17-22-26-34-42.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang gaanong seryoso ngayon. Makipaglaro ka lang sa agos ng iyong kapalaran upang matagpuan mo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-28-33-37-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon mo na gawin ang mga hindi mo pa nagagawa. Aalalayan ka ng langit ngayon, at ibibigay niya sa iyon ang mga nais mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-12-24-26-35-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hanapin mo ang saya para lumigaya ka, pero kapag hinanap mo ang kalungkutan, tiyak na malulungkot ka rin. Kaya mas mabuti kung du’n ka sa una. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-14-20-23-31-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tatanggap ka muli ng regalo mula sa langit na labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-10-15-19-22-27-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ka bibiguin ng langit, hinihintay lang niya na makita kang malakas, nang sa gayun ay dumagsa sa iyo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-16-24-34-42-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang matakot, dahil wala namang bisa ang ginagawa ng iyong mga kaaway. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-21-29-32-38-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang mag-alinlangan sa inaalok nilang pagkakakitaan sa iyo, idinaan lang iyon ng langit sa ibang tao pero para talaga ‘yun sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-17-25-36-39-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Inihahanda na ng langit ang pagiging buhay reyna mo. Hindi na bago sa iyo ‘yun, dahil dati ka na rin namang nagbuhay reyna, hindi ba? Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-18-20-23-37-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sukatin mo ang pagkatao ng mga nagpapakita sa iyo ng pagtingin. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-19-28-34-41-44.
Comments