ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Dec. 18, 2024
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 18, 2024 (Miyerkules): Paulit-ulit kang bibigyan ng pagkakataong yumaman hanggang sa maabot mo ang iyong mga ambisyon.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kapag dumating na ang espesyal na araw para sa iyo, humiling ka ng espesyal. Kaya ano pang hinihintay mo? Hiling na! Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-19-20-24-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lakas ng loob ang iyong kailangan ngayon upang patuloy na umunlad ang iyong buhay. Huwag ka nang mag-alinlangan pa, lakasan mo na ang loob mo! Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-18-21-25-37-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Magpatanggay ka lang sa agos ng iyong buhay, kahit pa hindi mo gaanong makuha kung bakit nangyayari ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-14-27-30-33-35.
CANCER (June 21-July 22) - Dumating na ang mga araw kung kailan dapat mong tutukan ang tungkol sa pagkakaroon ng mga materyal na bagay. Hindi ka mabibigo ngayon at mas papaboran ka pa ng langit. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-10-12-20-28-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi pa huli ang lahat, gayunman pahalagahan at unahin mo ang mga mahal mo sa buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-22-26-29-34-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pilitin ang ayaw makibahagi sa mga plano mo at hayaan mo silang magsisi. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-16-21-28-33-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi na maibabalik ang nakaraan, gayunman ituwid mo pa rin ang mga pagkakamaling nagawa mo, nang sa gayun ay mas umunlad ang inyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-15-20-25-34-30.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw na papabor sa iyo hindi lang ang mga taong nasa paligid mo, kundi papabor din sa iyo ang mga pangyayari. Gawin muna ngayon ang mga hindi mo pa nagagawa. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-12-20-23-29-33-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ituloy mo lang ang paghahanda para sa nalalapit na gastusin, kung saan ay obligado mong pasayahin ang maraming tao. Hindi ka puwedeng magkunwaring walang-wala. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-13-19-27-38-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahina ka, kaya makisakay ka sa malalakas, nang sa gayun ay makabahagi ka sa mga grasya nila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-14-18-22-36-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kikilos ka ngayon kahit hindi ka nag-iisip, pero kahit na ganu’n, susuwertehin ka pa rin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-17-22-29-36-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na may mga kokontra sa kagustuhan mo, gayunman ituloy mo pa rin ang ginagawa mo hanggang sa makita nila na unti-unti ka nang yumayaman at lumiligaya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-15-26-33-45.