top of page
Search

Horoscope | Disyembre 17, 2024 (Martes)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Dec. 17, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 17, 2024 (Martes): Malakas ka ngayon. Kaya naman, kakaibang lakas din ang mararanasan mo lalo na sa mga mahihirap.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Akala mo lang hindi mo kakayanin ang iyong mga pangarap. Pero maniwala ka man o hindi, kapag sinimulan muna ito, magtuluy-tuloy na ito at masasabi mong madali lang pala ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-18-20-27-33-43.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na matatanaw mo ang pag-asa sa kabila ng pinagdadaanan mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-19-24-28-32-34.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Nawawala ang ningning ng mga bituin dahil sa sobrang kataasan. Kapag napansin mong masyadong kang may tiwala sa iyong sarili, alalahanin mong mahirap magtagumpay. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-11-16-22-25-39-45.

 

CANCER (June 21-July 22) - Nakasalalay sa iyo ang mga kaibigan mo. Higit kaninuman, sila ang iyong maaasahan. Sila rin ang magsisilbi mong pakpak para marating mo ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-15-18-23-30-44.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Umaatras ang martilyo para maibaon ang pako. Umatras ka muna sa ginagawa mo dahil kailangan mo ngayon ang matinding pagbuwelo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-14-16-24-27-38.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lahat ay nagkakamali, pero hindi lahat marunong magpatawad. Bigyang daan mo ang muling pakikipagkasundo sa mga nakagawa sa iyo ng kamalian. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-26-28-31-39-45.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Natutunaw ang mga ulap kahit gaano pa ito kakapal. Tulad ng galit mo, mawawala rin ito ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-23-25-27-35-37.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magpatawad ka pero ‘wag mong kalimutang dati ka nang nasaktan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-19-21-23-36-43.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Gugulin mo ang oras mo kasama ang mahal mo. Hindi puwede na lahat na lang ng oras mo nakalaan lang para sa mga pangarap mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-15-27-34-35.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag natuto kang maghintay, mas maraming suwerte ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-18-22-28-33-45.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ito ang gawin mong gabay. Walang silbi ang paghingi ng paumanhin kung hindi mo rin naman ito lalakipan ng pagkilos. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-13-27-35-40.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi bale mapunta ka sa huli, gagawa pa rin naman ng paraan ang nasa itaas para mapabilang ka sa unahan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-2-7-20-29-34-43.

댓글


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page