ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Dec. 14, 2024
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 14, 2024 (Sabado): Mula nang ika’y isilang, kakambal mo na ang panalo. Kaya huwag kang aatras sa mga hamon ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bibigyan ka ngayon ng langit ng lakas ng loob na gawin ang mga bagay na inaakala mong hindi madali. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-27-29-38-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Manghiram ka ng tapang sa kilala mong hindi takot makipagsapalaran. Ito ang susi upang hindi ka mapag-iwanan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-26-28-33-35-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Binabalaan ka na ingatan mo ang labis na pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-11-14-32-39-42.
CANCER (June 21-July 22) - Dumating na ang araw kung kailan puwede mo nang ipakita ang tinatago mong magandang katangian. Maraming sasaludo sa galing at husay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-15-17-27-36-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Gawin muna ngayon kung ano ang gusto mong gawin. Ang paalala ay ikunsidera mo ang damdamin ng kapwa mo lalo na ang mga taong malalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-18-20-23-26.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lahat ng pangarapin mo ngayon ay tiyak na matutupad. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-21-31-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwang paniwalaan ang kapalaran mo ngayon. Ang inaakala mong walang kuwentang tao ay siya pa pala ang magbibigay sa iyo ng paraan upang ika’y buwenasin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-17-24-26-30-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Uutusan ka ngayon ng langit na sundin at huwag kontrahin ang iyong nararamdaman. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-16-20-29-35-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muling aayon sa mga plano mo ang mga pangyayari sa iyong harapan. Kaya ngayon ang masuwerteng araw upang isagawa mo ang iyong mga nabuong plano. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-19-25-27-34-37-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muling babalik ang mga nawala sa iyo, gayundin ang mga lumayo sa iyo. Kung sino lang ang nararamdaman mong bahagi ng iyong pagkatao ang tanggapin mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-15-23-26-30-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sino ang umayaw pero muling nagkagusto at muli ring umayaw pero muli ring nagkagusto? Sino pa nga ba? Kundi ikaw! Sa ngayon, magpapatuloy ang pabagu-bago mong pasya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-13-24-33-40-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi maganda ang may sobrang lakas ng loob, gayundin ang sugod nang sugod. Ang payo ay magpreno at mag-isip ka para ‘di ka magsisi sa huli. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-11-14-28-39-42.
Comments