ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Dec. 10, 2024
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 10, 2024 (Martes): Marami ang gagamit sa iyo para sa pansarili nilang layunin. Maniwala ka man o hindi, ikaw ang suwerte nila ngayon.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka dapat madaya ng iba. Para makaiwas ka sa mga ganyang klaseng tao, mas mabuti pang ikaw na lang mag-isang kumilos. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-17-20-22-27-30-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Normal lang na magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa magkakapamilya. Kaya naman, huwag kang magpapaapekto. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-11-18-28-37-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Kakambal mo ang suwerte. Kaya bakit ka matatakot sumugal? Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-14-19-25-34-45.
CANCER (June 21-July 22) - Papalakas nang papalakas ang puwersa ng iyong suwerte. Huwag ka na magulat, dahil ito naman talaga ang nakatakda sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-20-24-32-38-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Init ang sandata ng kapalaran na ipinagkaloob sa iyo ng Dakilang Manlilikha. Kaya bakit ka manlalamig sa negosyo na iyong nasimulan? Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-10-19-21-31-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Napakahilig mong makipagtalo. Iwasan mo ito, dahil wala naman itong magandang idudulot sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-14-26-28-35-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang maganda sa paningin mo, iyon ang piliin mo. ‘Pag sumunod ka sa payo na kahit hindi maganda ay gustuhin mo, alam muna ang mangyayari, mamumuhay ka sa pangit at malungkot na buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-15-27-30-36-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mababawasan ngayon ang iyong problema, ito ang regalo sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-14-16-24-32-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumilos ka na para bang nasa itaas ka. Sa susunod na mga araw, magugulat ka na lamang dahil nandu’n ka na talaga. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-12-29-31-38-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa na nakakapagtaka ang kapalaran mo ngayon dahil kung sino pa ang sobrang kinaiinisan mo, sila pa pala ang suwerte mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-8-18-25-35-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tularan mo ang mga ibon na malaya at masayang lumilipad. Hindi ka puwedeng manatili sa kalungkutan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-17-22-28-39-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mag-utos ka para sundin ka nila. Mas gusto ito ng langit dahil hindi ka naman isinilang para maging isang alipin at tagasunod lamang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-20-26-34-37-45.
Komentāri