ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Dec. 1, 2024
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 1, 2024 (Linggo): Hindi lang ang mga malalapit sa iyo ang humahanga sa kabutihang loob mo, dahil maging ang langit ay saludo rin sa iyo. Kaya sa nalalapit na Kapaskuhan, padadalhan ka Niya ng mga biyaya.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pakinggan mo ang bulong ng iyong damdamin. Pansamantala mong tutukan ang pansarili mong kaligayahan. Hindi maganda kung lahat ng ginagawa mo ay para sa pagpapayaman. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-23-28-30-34-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ibigay mo ang kailangan ng mga taong lumalapit sa iyo, pero iwasan mong magbigay ng sobra. Ito ang naging pagkakamali mo sa nagdaan, kaya ‘wag na sanang maulit pa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-17-20-27-32-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Bago ka sumugod lalo na sa pakikipagrelasyon, mag-isip ka muna. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-18-24-28-30-42.
CANCER (June 21-July 22) - Muling babalewalain ng langit ang mga pagkukulang at kahinaan mo. Dahil nais kang bigyan ng nasa itaas ng maganda at payapang Kapaskuhan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-17-29-35-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka na dapat matalo ng awa. Dahil ang kadalasan mong kinakaawaan ang siya pang namimintas sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-15-26-36-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maghahari sa iyo ang mga negatibong pananaw. Kaya naman, dumikit ka sa mga kaibigan mo na may magandang plano sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-21-24-32-34-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahuhulog ka ngayon sa taong nagpapakita ng kabaitan sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-12-29-31-37-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sundin mo kung ano ang gusto mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-11-30-33-35-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Langit mismo ang magpapasalamat sa iyo dahil sa kabutihang ginagawa mo sa iba. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-14-17-25-32-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit masama ang loob mo, pagbigyan mo pa rin ang mga taong humihingi ng tulong sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-7-18-20-26-30-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsakripisyo ka para mas lalo pang gumanda ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-19-22-28-38-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang mamili ng mga kaibigan. Sa panahong ito ng Kapaskuhan, kung sino ang inilapit sa iyo ng iyong kapalaran, sila ang puwedeng pagmula ng iyong saya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-10-11-14-27-29.
Comments