ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 13, 2021
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 13, 2021 (Lunes): Harapin mo ang mga kaaway mo nang bukas ang puso dahil ang pananalo ay para sa iyo. Ito ang sikreto ng iyong magandang kinabukasan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mo ang pakikipagtalo o pakikipagdebate. Ngayon at sa darating pang mga araw, makapagpapaatras ng takbo ng magandang kapalaran mo ang pakikipagbungguan ng isip at talino. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-17-19-20-24-28.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tahimik mong isagawa ang iyong mga plano. Iwasan mong malaman ito ng iba dahil may babala na gagayahin ka at maaaring maunahan ka pa sa pag-asenso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-22-27-33-35-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Kumonsulta ka sa mga nauna sa iyo. Marami na silang alam na puwede mong pakinabangan nang makaiwas ka rin sa mga problemang pinagdaanan na nila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-9-11-15-23-39.
CANCER (June 21-July 22) - Iwasan mong maibulalas ang matagal mo nang sama ng loob. Dahil hindi mo maiiwasan, ang galit mo ay magiging tulad ng baha at marami ang magigiba. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-19-20-24-25-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Muling nagbalik ang nakatutuwang kapalaran mo na nagsasabing kikilos ang mga lantad at lihim mong kaaway. Pero sa bawat pagkilos nila, ikaw ang makikinabang at hindi sila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-20-21-26-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipahiram mo ang iyong magagandang ideya dahil maliit lang ang tsansa na magagawa mo ito sa iyong sarili. Mas magandang pakinabangan ito ng iba, lalo na ang malalapit sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-10-13-18-22-28-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magdahan-dahan ka sa araw na ito dahil may babala na kapag nagmadali ka, ikaw ay madadapa. Ang kumikilos nang marahan ay kusang gumagana ang isip kaya hindi nagkakamali. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-19-29-30-35-48.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sa mundo, lahat ay nagbabago pero ang tao ay matigas ang ulo kaya madalas, naninindigan sa nasabi na nila sa kanilang sarili. Bukas ka sa pagpapalit ng prinsipyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-16-20-25-27-30.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang kumibo sa harap ng mahal mo sa buhay na magpapakita sa iyo ng galit. Kahit ang magkakaibigan ay hindi nagkakaintindihan, pero nananatiling nagmamahalan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-15-29-39-40-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kikilos ang kapalaran mo na pabor sa iyo, kaya lang, sa una ay hindi ka maniniwala. Gayunman, sa maniwala ka o hindi, hindi na ito mahalaga. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-16-17-24-28-37-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong baguhin ang naiplano mo na. Ang kailangan lang naman ay mabilis mo itong maipatupad. Kaya mas magandang kumilos ka na at huwag kang mag-aalinlangan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-17-20-21-25-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi makukuha sa bilis ang pag-asenso, kaya ituloy mo ang iyong pagsisikap at ang iyong pangarap na gumanda ang hinaharap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-19-20-27-33-38.
Comments