ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 9, 2024
Sa may kaarawan ngayong Agosto 9, 2024 (Biyernes): Sapat na ang lakas ng loob mo para harapin ang anumang hamon ng iyong kapalaran. Lakas ng loob din ang sandata mo para maabot mo ang iyong ambisyon sa buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ang sinumang sumalungat sa iyo, langit mismo ang makakabangga. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-13-29-34-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Manghiram ka ng tapang sa iyong nakaraan na kung saan ay napagwagian mo ang mga laban mo sa buhay. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-6-17-21-25-34-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Iinit ang ulo mo dahil maiinip ka. Dapat mong malaman na ang marunong maghintay ay mas maganda kaysa sa mainipin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-15-24-33-41-45.
CANCER (June 21-July 22)- Sa tuwing ika’y nagagalit, tumatapang ka. Maggalit-galitan ka upang magawa mong sugurin ang malaki mong pangarap sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-20-24-31-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Muli kang bibigyan ng pribilehiyo ng langit na nagsasabing ikaw ang may hawak ng iyong kapalaran ngayon. Huwag mong sayangin ang magandang pagkakataong ito para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-19-25-32-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bibilis ang mga kaganapan sa iyong harapan. Kapag mabagal ka na at kukupad-kupad, mapag-iiwanan ka ng iyong mga kasabayan at ng iyong mga kakumpitensya sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-22-28-30-33-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon. Ang hindi mo inaasahang aalalay ang aagapay sa iyo. At ang inaasahan mong magiging kaagapay mo ay biglang mawawala. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-20-36-39-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipanatag mo ang iyong kalooban. Ang mismong langit ang gagawa ng paraan sa mga hindi mo kaya at sa mga mabibigat na suliranin mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-13-25-34-42-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21)- Huwag mong pilitin ang mga may ayaw sumunod sa kagustuhan mo. Sa huli, malalaman nila ang hindi pagsunod sa iyo ay hindi tama. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-11-14-29-39-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Alalayan mo ang sarili mo. Ang anumang pang-aabuso sa sarili ay iyong pagsisisihan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-14-18-26-33-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18)- Lumilipad ang agila sa mas mataas na ulap. Tularan mo ang agila, huwag mong harapin ng mukhaan ang unos sa buhay mo. Bagkus, lumayo ka muna. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-12-29-32-34-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20)- Kapag ika’y dumikit sa matapang, tatapang ka rin. Kapag dumikit ka sa mahihina ang loob, hihina rin ang kalooban mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-18-23-33-36-40.
Comments