ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 5, 2024
Sa may kaarawan ngayong Agosto 5, 2024 (Lunes): Bilis ng pasya at kilos ang magdadala sa iyo sa napakaraming suwerte. Ang pag-aalinlangan ay walang magandang maidudulot sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tutukan mo ang iyong negosyo para malayo ang iyong marating. Maiiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga kakumpitensiya at karibal. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-9-18-21-27-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sasaya ka. Hahanapin mo ang lungkot, pero hindi mo ito madarama ngayon. Ang kagustuhan ng langit ay maging masaya ka para magdatingan ang mga suwerte sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto–5-15-23-30-41-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Umiwas ka sa mga taong negatibo na ayaw makipagsapalaran sa buhay. Baka mahawa at maduwag ka pa na labanan ang mga hamon ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-17-26-29-34-44.
CANCER (June 21-July 22) - Hawakan mo ang iyong mga luha. Ibig sabihin, hindi ngayon ang panahon para maging mahina ka. Kung ano ang inihagis sa iyo, ibalik mo sa naghagis. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto–7-11-16-22-27-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tama lang na maging mabilis ka. Ang mahalaga ay bukas ang isipan mo habang kumikilos. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-2-14-25-36-39-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ang magandang panahon para simulan ang iniisip mong munting pagkakakitaan, pero sa maniwala ka o hindi, ito ay lalago tulad ng malaking punong-kahoy. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto–5-14-22-28-37-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kunin mo ang para sa iyo. Kunin mo rin ang inayawan ng iba. Sa ganitong paraan, magugulat ang lahat dahil ikaw ang magiging pinakamayaman. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-18-21-26-33-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malungkot ang buhay. Ito ang tunay na dahilan kung bakit may malulungkot. Piliin mo ang saya at ligaya dahil sa ganitong paraan nabubuhay ang tao sa mundo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-17-22-26-31-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Aagos ang ilog ng iyong kapalaran na ang dala-dala ay kayamanan. Minsan, malakas ang agos at minsan ay marahan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-12-18-27-33-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makisali ka sa masasayang aktibidad kahit pagod ka na. Ito ang kondisyon ng langit bago ihulog sa iyo ang malalaking suwerte na ikaw ay nakikiisa sa mga pagsasaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto–8-17-26-31-35-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ingatan mo ang iyong sarili habang nagsasaya. Talas ng isipan at pakiramdam ang iyong panangga. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-13-22-28-35-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Paramihin mo kung ano ang nasa iyo. Ito ang tunay na susi ng mga taong nagtagumpay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-16-20-27-33-40.
Comments