ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 4, 2024
Sa may kaarawan ngayong Agosto 4, 2024 (Linggo): Ituloy mo lang at huwag kang mag-alinlangan sa iyong pagsisikap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magtatangka ang ilang kontrabida sa buhay mo na hadlangan ka sa papasulong mong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-11-20-35-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka nang kumilos dahil kapag hindi ka naging abala sa pagkilos, maniwala ka man o hindi, mawawalan ka ng tiwala sa kakayahan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-17-26-28-30-32.
GEMINI (May 21-June 20) - Lumayo ka sa malungkot dahil baka mahawa ka. Tulad ng isang sakit, ang kalungkutan ay nakakahawa rin. Kapag malungkot ang tao, nawawalan siya ng gana na magsikap sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-18-27-31-36-43.
CANCER (June 21-July 22) - Sundan mo ang yapak ng mga nagtagumpay. Ito ang simpleng susi ng buhay na maunlad. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-19-29-30-31-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bilang pagtatapat sa iyo, tunay na may kahirapan ang pagtahak mo sa landas ng tagumpay, pero ito ay pansamantala lang, ngunit tinitiyak din ng iyong kapalaran na ito ay iyong malalampasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-16-20-23-31-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kikilos ang mga inggit sa iyo upang pabagsakin ka, pero hindi sila mananaig. Ito ang nakakatuwa sa iyo dahil sa dami ng iyong kahinaan, ikaw pa rin ang mananalo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-23-30-38-40-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong bigyang-pansin ang iyong mga naririnig na usapan sa iyong paligid. Maganda man o pangit ang mga ito, ‘wag mong pakialaman. Sa halip, ituloy mo ang iyong sariling diskarte sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-15-17-20-21.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maluwag ang landas ng buhay na iyong tinatahak na aakalain mong maraming sagabal, pero ang mga ito ay nasa isip mo lang naman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-27-29-30-32-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Para sa iyo ang araw na ito, gayundin ang mga araw na darating. Pagbutihin at ibigay mo ang lahat ng iyong makakaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-12-20-21-40-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong dayain ang iyong sarili. Gawin mong batayan kung ano ang nakikita mo dahil ‘yun ang katotohanan at ang kasinungalingan ay nakatago sa mga kuwentong naririnig mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-20-21-29-33-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mabahala kapag ang mga kaganapan ay parang sobrang bilis natatapos. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-19-27-30-33-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bakit ka hihingi ng tulong kung sasakit lang ang ulo mo sa tutulong sa iyo? Subukan mo munang gawing mag-isa ang gusto mong mangyari. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-17-20-30-32-34.
Comments