ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 31, 2024
Sa may kaarawan ngayong Agosto 31, 2024 (Sabado): Maiintriga ang iyong buhay, dahil nasasagap ng mga kontrabida sa buhay mo na maiiwanan mo sila nang milya-milya.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ilantad mo ang barahang alas. Ito ang magsisilbing babala na ang sinumang magtatangkang lumaban sa iyo ay matatalo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-9-15-24-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pansinin ang mga mapanghusga. Huwag mong kalimutan na ang mga mapanghusga sa kapwa ay hahatulan agad ng langit at sila ay mapapahiya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-21-27-30-37-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Dahan-dahan lang ang pagkilos at pagsasalita. Ang hindi pagkakaunawaan, minsan ay nagmumula sa mga ‘di pagkakaintindihan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-14-23-28-34-39.
CANCER (June 21-July 22) - Kung sino ang alam mong nakakaunawa sa iyo, siya ang kausapin mo. Huwag kang magtangkang magpaliwanag sa alam mong hindi ka naman inuunawa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-7-16-20-25-29.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lumayo ka sa kilala mong makitid ang utak, layuan mo rin ang mga taong makasarili at sila lang ang gustong pakinggan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-10-19-28-35-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mabuhay ka gamit ang iyong talino. Kapag ginawa mo ito, ang yaman mo ay hindi mo mabibilang. Sapat na ang taglay mong talino para magawa ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-13-17-22-25-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bigyang-saya mo ang nagpapasaya sa iyo. Ito ang batas ng katalagahan na nagsasabing kung ano ang binigay sa iyo, ibalik mo sa iyong kapwa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-15-24-33-39-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Paghiwa-hiwalayin at pagsasamahin mo ang kulay. Sa buhay ng tao, hindi maganda ang walang kaayusan. Sumasakit ang ulo ng isang tao kapag magulo ang kanyang mundo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-19-26-37-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Wala kang dapat ipaliwanag sa mga hindi nakakaintindi. Sila ang bahala sa kanilang sarili na kung kapos ang kanilang isipan, problema nila ‘yun. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-12-24-33-40-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Masaya pero mahirap paniwalaan na ang away-bati ay mas masaya kaysa sa nakakabagot na pakunwaring nagkakaunawaan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-17-26-31-35-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dumikit ka sa taong nagbigay sa iyo ng suwerte. Sila muli ang pampasuwerte mo. Lumayo ka sa mga taong walang dala sa buhay mo kundi pasakit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-6-13-22-31-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nag-iipon ng lakas ng iyong mga suwerte na parang isang malaking sorpresa. Huwag na huwag kang maging negatibo tulad ng mga taong may galit sa mundo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-20-29-31-37.
Comments