ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 3, 2024
Sa may kaarawan ngayong Agosto 3, 2024 (Sabado): Malambot ang iyong puso at kalooban, kaya sa lahat ng klase ng tao, ikaw ang pinakamasarap magmahal. Hindi ka puwedeng kalimutan ng mga magiging bahagi ng iyong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit may bahagyang ulap sa kalangitan, hindi ito makakaawat sa ningning ng mga bituin. Tulad ng buhay mo ngayon, pansamantala lang ang madilim na kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-11-13-28-30-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sukatin mo ang kakayahan ng taong gustong maging bahagi ng buhay mo. Huwag kang maniwala agad sa mga salita. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-17-29-31-32.
GEMINI (May 21-June 20) - Sakyan mo ang masayang pangyayari sa iyong buhay. Magugulat ka dahil dadalhin ka nito sa lugar kung saan makakaharap mo nang mukhaan ang inilaan sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-14-27-39-40-45.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi masama ang mangopya dahil ang lahat ay talaga namang nangongopya. Kopyahin mo ang ginawa ng nagtagumpay upang ikaw ay magtagumpay din sa buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-16-17-29-31-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kumukupas ang lahat sa mundo. Kukupas din ang mga suwerte mo, kaya lang, ang masayang balita ay nagsasabing, nagbabalik na may mas matingkad na kulay ang iyong mga buwenas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-15-21-22-27.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lungkot ang dala ng makulimlim na panahon. Ito rin ang panahon ng pagsusuri sa nakaraan na kung may kailangang ayusin o itama ay dapat tanggapin at hindi dapat ikaila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-17-18-29-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Subok na sa buhay mo ang kasanayan na kung saan ka masaya, ru’n ka. Kung hindi na masaya, bakit mo dadayain ang iyong sarili? Ngayong alam mo na, muli kang maghanap ng saya at matatagpuan mo rin ang suwerte. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-19-20-21-28-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pilitin ang iyong sarili sa alam mong mahihirapan ka lang. Mas magandang piliin mo ang masarap na buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-26-31-36-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag magpatangay sa gusto ng iba. Dahil sila ang may gusto, mas mabuting hayaan mo sila. Hawak mo ang sarili mong kapalaran, bakit ka papayag na ikaw ay kanilang mahawakan Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-19-21-28-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kaya ka nabibigo dahil mapagpilit ka. Ngayong alam mo na ang katotohanan, alam mo na rin ang gagawin. Maging desidido ka at dapat buo ang loob mo sa anumang gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-24-28-33-38-40-46.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ingatan mong mapalapit sa palagi mong nakakasama. Hindi dahil masama ang epekto niya sa iyo kundi siya ay hindi mo masisisi kapag minahal ka niya nang todo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-20-25-29-35-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakahawa ang sigla at saya. Higit kailanman, sila ang kailangan mo sa iyong buhay. Kapag naging masaya at masigla ka, tuluy-tuloy nang dadaloy sa katauhan mo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-17-21-27-32-36.
Comments