top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | August 24, 2024 (Sabado)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 24, 2024


Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Agosto 24, 2024 (Sabado): Ginagarantiyahan ngayon ang araw ng iyong pagsilang, kahit magkamali ka nang paulit-ulit sa buhay, pagagandahin pa rin ng langit ang iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makikitang ang isip at kilos mo ay nakatuon sa pagmamahal ng mga taong malalapit sa iyo. Isang magandang senyales ito na nagsasabing mababalanse mo na ang iyong buhay ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-23-27-34-40.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Suwerte ka ngayon dahil muling magbabalik ang mga araw na ikaw ay mapalad. Ang mga suwerteng pinalampas mo noon ay muli kang babalikan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-12-24-33-39-42

 

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka dapat mabihag ng sinumang nagpapakita sa iyo ng maganda. Sa katunayan, siya dapat ang maakit mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-14-23-27-32-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Muling magbabalik ang malakas mong karisma at ito ay mas malakas kaysa sa dati. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-7-16-20-29-34.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit ano ang iyong pagkakaabalahan, huwag mong kaligtaan na ang paghahanda sa iyong kinabukasan ay mas mahalaga kaysa sa anumang aktibidad. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-10-19-28-37-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kakaibang talas ng isipan ang iyong ipapakita ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-17-26-35-41-45.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magdaratingan ang magagandang kapalaran sa buhay mo. Salubungin mo ito sa pamamagitan ng pagsusuot ng masasayang kasuotan na hindi masyadong luma. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-15-24-33-39-42.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pagmamahal ang numero unong nasa isip mo. Kaya ang pagsasakripisyo hanggang ngayon ay hindi mo pa rin matatakasan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-16-20-25-35-40.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mas maganda kung magbabago ang takbo ng isip mo. Sa halip na tumutok ka sa trabaho, mas tutukan mo ang iyong minamahal. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-18-21-27-30-39.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mas hahangaan ka ng iyong mahal. Kung may hihilingin ka, hindi man mabilis na maibigay, pero tiyak na mapapasakamay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-8-17-26-35-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabibigyan ka ng laya at panahon ng pagsasaya. Makukuha mo ito sa taong akala mo’y inaalipin ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-13-22-31-37-40.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mas makapangyarihan ang pag-ibig kaysa sa anumang puwersa. Ito ang tatalo sa iyo at pag-ibig din ang magpapanalo sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-20-25-34-37-43.




0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page