top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | August 23, 2024 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 23, 2024


Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Agosto 23, 2024 (Biyernes): Kung saan ka masaya, roon ka. Ito ang simpleng kahulugan ng araw ng iyong pagsilang. Iwasan at layuan mo ang mga bagay na magbibigay sa iyo ng kalungkutan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pigilan mo man o hindi ang mga kaganapan, ang mga ito ay mabilis na mangyayari. Kaya mas maganda kung magiging mabilis ka rin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-14-17-24-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Piliin mo ang kulay na angat na angat sa iyong kagandahan. Huwag mong piliin ang mga magbibigay sa iyo ng pananamlay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-10-20-25-31-32.


GEMINI (May 21-June 20) - Mananalo ka dahil ang araw na ito at ang iba pang araw na darating ay masusuwerteng araw mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-25-27-35-36.


CANCER (June 21-July 22) - Naiiwanan ang mabagal at ang hindi makapagpasya, sa huli ay nagsisisi at nanghihinayang. Hindi ka dapat mapabilang sa kanila. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-11-17-24-31-39.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang masyadong magtagal sa panonood ng kapalaran ng iba. Puwede kang mahawa sa hindi magagandang nararanasan ng mga iyong pinapanood. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-11-14-26-30-34.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gawin mo agad ang gusto mong gawin. Kapag hindi ka nakinig, masisingitan ka ng pag-aalinlangan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-12-25-38-40-45. 


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iwanan mo na ang ayaw sumunod sa iyo. Oo, iwan mo na ngayon! Kapag ginawa mo ‘yan, magugulat siya dahil susunod siya sa mga kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-13-16-25-38-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong sayangin ang maliit o malaking bagay na puwede mong pakinabangan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-14-23-24-30-33.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Asikasuhin mo ngayon at sa mga araw pang darating ang iyong kabuhayan. Ito ang masuwerte mong panahon para sa pagpupundar. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-15-20-21-28-31.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka dapat makihalubilo sa anumang hindi pagkakaunawaan, dahil baka mawala lang ang pagtutok mo sa iyong mga gustong gawin. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-4-18-22-28-35-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong palakihin ang problema. Hindi mo ba napansin sa buhay mo na hindi naman talaga nagtatagal sa iyo ang mga nagpapasakit ng ulo mo? Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-11-17-21-28-33.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Masaya ang maraming kaibigan, pero kailangan mo ring piliin ang mga kaibigan na hindi pabigat sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-12-28-36-38.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page