ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 2, 2024
Sa may kaarawan ngayong Agosto 2, 2024 (Biyernes): Kakaiba ang kabutihang ipinakikita mo sa tao. Kaya kamangha-manghang mga suwerte rin ang ipagkakaloob sa iyo ng langit, higit lalo sa taong ito ng 2024. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong kalimutan ang mga nakatulong sa iyo, lalo na sa panahon ng iyong mga kagipitan. Yayaman ka at ang obligasyon mo ay balikan sila at iyong pasalamatan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-11-15-20-31-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tatalunin ka ng awa. Dati nang nangyari sa iyo ang ganito at ngayon muling mauulit. Walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili mo sa maling awa na iyong ipinakita. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-12-18-20-21-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi masama ang maging mapagbigay, pero kung ang muling pagbibigyan ay alam mo namang wala sa lugar. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-18-23-28-34-41.
CANCER (June 21-July 22) - Hawak mo ang iyong kapalaran ngayon. Ito ay isang magandang oportunidad kung magagamit mo nang mabuti. Pero kung hindi naman ay kabaligtaran ang iyong sasapitin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-5-15-20-35-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kinakapos dahil sa maling paggastos. Masaya ang buhay kapag nasa ayos ang lahat. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-18-20-28-31-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Babagal ang ikot ng iyong mundo dahil kailangan mong talunin ang mga negatibong pananaw. Ang mga ito mismo ang hadlang sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-11-18-21-29-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pansinin ang mga kontrabida sa buhay mo. Ang asikasuhin mo ay kung paano matutupad ang mga pangarap mo na noong musmos na bata ka ay pinangarap mo na. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-17-20-21-29-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pakinggan mo ang sinasabi ng iyong isip. Isip ang nakakaalam kung ano ang tama at mali. Ang kailangan mo ngayon ay paraan kung paano maitutuwid ang mali sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-18-20-27-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi mahalaga kung ‘di maabot ng tao ang tagumpay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-14-23-31-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi bigo ang patuloy na lumalaban. Ang kabiguan ay para lang sa mga sumusuko. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-12-24-37-40-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang lumaban nang harapan. Ang pinakamaganda ay magkunwari kang mahina pero lihim kang kumilos para ang mga kaaway mo ay mabilis na magsibagsak. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-18-20-21-28-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dito sa mundo, ang nauna ay ang unang natatalo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-14-16-27-30-33.
Comments