ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 18, 2024
Sa may kaarawan ngayong Agosto 18, 2024 (Linggo): Yayaman ka at ito ay ginagarantiyahan ng iyong kapalaran. Mahalin mo ang mga taong walang-wala dahil ang mga suwerte nila ay tiyak na mapupunta sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Unahin mo ang paghahanda sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-18-20-24-39-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kahit na mabagal ang pagong, siya ay umaabante pa rin. Talo niya ang mga taong mabilis, pero wala namang direksiyon sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-10-12-25-37-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong sayangin ang magagandang nararanasan mo ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-11-16-18-29-31.
CANCER (June 21-July 22) - Matamis ang bunga ng punong-kahoy at ito ay kailangang akyatin para matikman. Kung mahirapan ka, ibig sabihin, sa huli ay matitikman mo ang bunga ng iyong pinaghirapan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-15-17-21-23-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kaya gumaganda ang pelikula ay dahil sa mga kontrabida. Magpasalamat ka sa mga kontrabida sa buhay mo dahil pagagandahin nila ang iyong kasaysayan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-20-29-32-37-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Malapit ka nang yumaman. Ito ang ibig sabihin ng biglaang sigla na iyong nadarama. Ito rin ay nagsasabing kikilos ka ayon sa pangarap mo, kaya ang iyong mga kahinaan ay hindi magsisilitaw. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-13-18-25-37-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang mararanasan mo dahil kikilos ang mga lantad at lihim mong kaaway, pero sa bawat pagkilos nila ay hindi nila namamalayang mas gumaganda ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-18-22-24-27-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi man kalakihan at karamihan ang mga suwerteng darating, ito ay sapat na para masabi mong ang langit ay nakikinig sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-14-19-26-36-41-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dahan-dahang umaabante ang buhay. Matuwa ka dahil ang mabilis na pagyaman ay panandalian lang kung saan ito ay parang malakas na buhos ng ulan na hindi naman nagtatagal. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-17-21-28-31-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tutukan mo ang pagpapalago ng iyong kabuhayan dahil ang panahon ngayon ay para rito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-21-25-27-34-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Madarama mong hindi ka gaanong mahalaga sa dating nagpapahalaga sa iyo. Huwag mo itong masamain. May ibang kailangan tutukan ang taong iyong pinagtatampuhan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-11-20-23-30-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi mo kailangan ang tulong ng iyong kapwa. Pero kakailanganin ka nila dahil kapag wala ka, sila ay walang sigla at hindi sasaya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-22-24-31-42-44.
留言