ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 10, 2024
Sa may kaarawan ngayong Agosto 10, 2024 (Sabado): Ingatan mo ang iyong sarili na makipagsapalaran. Higit sa lahat, ang pagpupundar ng iyong kabuhayan ang pinakamahalaga.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka dapat mabihag ng pagsasaya at paglalakwatsa dahil malaki ang mawawala sa iyo ‘pag ganu’n ang nangyari. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-11-17-20-27-30.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Aanihin mo ang matatamis na bunga ng iyong mga pagsisikap. Maging masinop ka sa mga pinaghirapan mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-19-24-27-30-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Doble-doble ang panalo mo, kaya lumaban ka. Huwag mong atrasan ang mga hamon ng iyong kapalaran. Muli, lumaban ka! Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-17-20-25-31-32.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang malibang sa mga suwerteng nagdaratingan. Ituloy mo pa rin ang paghakbang sa landas ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-13-20-29-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Muli, nakasalalay sa mga kamay mo ang kapalaran ng mga taong nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-18-25-27-40-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi nawawala ang liwanag sa buhay. Natatakpan lang ito ng mga ulap at pag-aalinlangan na siyang dahilan kaya hindi makakilos ang pangarap mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-16-21-22-34-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo. Masarap na ang iyong buhay, pero may mga tao pa ring handa kang alayan ng dagdag na sarap ng buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-22-28-35-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag nagdududa ka, umatras ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-20-29-31-32-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Haluan mo ng paglalaro ang buhay mo dahil ang pagiging seryoso ay nagpapahina ng kalusugan. Sa paglalaro at pagsasaya, nawawala ang bigat ng problema. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-16-19-23-39-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Paangat ka nang paangat. Mas magandang huwag ka munang huminto sa pagsisikap. Ang nadarama mong pagod ay simpleng nagsasabi na kulang ka sa paglilibang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-14-23-34-38-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Titingalain at hahangaan ka kahit wala ka namang kakaibang ginagawa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-15-21-28-41-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ilagay mo sa makabuluhang gawain ang ilan sa mga suwerteng mapasasaiyo. Ang iba pa ay gamitin mo para sa iyong sarili na kung saan ka sasaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-14-16-30-31-33.
Comments