top of page

Horoscope | Abril 9, 2025 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 9
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Apr. 9, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Abril 9, 2025 (Miyerkules): Lakas ng loob ang magdadala sa iyo sa tagumpay. Ito rin ang susi upang matalo mo ang mga hamon ng iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumilos ka ayon sa mga plano mo. Huwag mong hayaan na masayang lamang ang magagandang pagkakataon. Masuwerteng  kulay-yellow. Tips sa lotto-4-10-27-30-33-38.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipakita mong hindi ka mabibigo ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-19-25-29-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang papayag na talunin ka ng pag-aalinlangan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-17-21-26-39-45.


CANCER (June 21-July 22) - Lihim kang matuwa kapag may sumasalungat sa iyo. Ayon sa kapalaran mo, kapag may kontrabida sa buhay mo, may malaking suwerte rin ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-19-22-27-33-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kakaiba at nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon. Matatagpuan mo na ang sarili mong nakikinabang dahil sa mga hindi magagandang kapalaran ng iyong kapwa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-11-15-23-38-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Aminin mo sa sarili mo na kailangan mo ring kumilos ngayon. Kaya naman, ‘wag mo itong iasa sa iba. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-10-13-22-27-34.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mabibigo ang mahihina. Kaya patunayan mo sa sarili mo na kailangan mong maging malakas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-15-25-31-39-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Isara mo ang iyong damdamin. Dahil ikaw na mismo ang makakapansin na hindi na maganda ang nagiging resulta sa tuwing naaawa ka sa mga taong ‘di naman nagbabago. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-12-27-30-35-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan labanan ang mga kontrabida. Ito ang iyong tandaan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-18-22-29-33-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lalabas ang galit mo ngayon. Kapag nangyari ito, kontrolin mo agad ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-brown Tips sa lotto-15-22-25-28-35-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dadalawin ka ngayon ng suwerte at mananatili ito sa iyong kapalaran kapag nagpakita ka ng kabutihan at pagmamahal sa mga taong walang-wala. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-16-27-29-32-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumayo ka sa mga negatibo, dahil baka mawala pa ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-20-23-33-35-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page