top of page

Horoscope | Abril 8, 2025 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 8
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Apr. 8, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Abril 8, 2025 (Martes): Nakasubaybay sa iyo ang langit. Binabantayan ka Niya laban sa mga taong nais kang pabagsakin. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Matuto kang maghintay at ‘wag kang maiinip. Ito ang mensahe sa iyo para sa mas lalo pang gumanda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-11-19-27-33-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magdahan-dahan ka, hindi lang sa pagkilos kundi maging sa pagpapasya. Isipin mong mabuti ang mga gusto mong gawin. Tandaan mo, ang pagsisisi ay laging nasa huli. Masuwerteng kulay-blue.  Tips sa lotto-3-10-14-17-26-32.


GEMINI (May 21-June 20) - Iyo ang araw na ito. Kaya anuman ang iplano, isipin at ambisyunin mo, tiyak na matutupad at magkakatotoo. Masuwerteng kulay-black.  Tips sa lotto-4-20-28-30-34-41.


CANCER (June 21-July 22) - Nakukuha ng tao ang kanyang gusto kapag buo ang kanyang loob, habang nabibigo naman ang taong nag-aalinlangan. Masuwerteng kulay-violet.  Tips sa lotto-7-18-28-34-39-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pansinin ang mga taong sumasalungat sa mga kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto- 6-19-22-28-36-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag may usok, may apoy. Kaya naman talasan mo ang pakiramdam mo sa mga taong gusto kang sirain. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-15-20-25-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Timbangin mo ang dalawang nasa harap mo. At kung sino talaga ang mas matimbang sa puso mo, siya ang piliin mo. Masuwerteng kulay-brown.  Tips sa lotto-15-17-23-38-40-42. 


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong dayain ang sarili mo at mas lalong huwag mong bigyan ng katuwiran ang mga taong nagkakamali. Masuwerteng kulay-white.  Tips sa lotto-6-9-14-16-24-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag mabigat na ang ulap, tiyak na bubuhos ang malakas na ulan. Kaya ‘di mo na kailangan pang mag-ipon ng sama ng loob. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-17-21-27-28-30.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iisa lang naman ang direksiyon ng agos ng tubig sa ilog. Kaya naman isa lang din ang kauuwian ng pagtitinginan ninyo ng bagong mong kakilala. Masuwerteng kulay-yellow.  Tips sa lotto-7-10-17-26-34-38. 


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tinatakot mo lang ang sarili mo. Bakit mo katatakutan at tatanggihan ang isang nilalang na nagbibigay sa iyo ng suwerte? Masuwerteng kulay-purple.  Tips sa lotto-4-13-21-24-33-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sapat na ang naipon mong mga aral sa buhay upang hindi ka magkamali. Masuwerteng kulay-pink.  Tips sa lotto-3-10-16-21-26-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page