Horoscope | Abril 7, 2025 (Lunes)
- BULGAR
- 13 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Apr. 7, 2025

Sa may kaarawan ngayong Abril 7, 2025 (Lunes): Malayo ang iyong mararating. Kaya naman, ‘wag kang matakot mangibang-bansa.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mayaman ngayon ang iyong imahinasyon. Gamitin mo ito upang mas lumago ang iyong kita. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-10-25-29-33-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang laman ng isip mo, iyon mismo ang mararanasan mo. Kaya bakit mo iisipin ang mga pangit na bagay? Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-16-21-24-28-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Mapapaniwala mo ngayon ang sinuman na gusto mong paniwalain. Kaya iwasan mong magsalita ng mga hindi totoo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-11-19-25-29-40.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka puwedeng manatili sa pagkabagot. Mamasyal at makipagkuwentuhan ka sa mga kaibigan mo na alam mong may masayang personalidad. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-14-16-28-38-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Paghandaan mo ang iyong kinabukasan. Puwede ka namang tumulong sa kapwa mo, pero dapat tulungan mo rin ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-19-26-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mali na akayin ng bulag ang isa pang bulag. Ito ngayon ang masasaksihan mo na inaakit ng isang nasa mali ang isa pa na magkamali. Habaan mo ang pasensiya mo, bago ka tuluyang mabagot. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-11-17-23-27-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lilitaw uli ang natatago mong ganda. Mag-ingat ka dahil puwede mong maakit ang mga taong wala namang karapatan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-18-22-34-36-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Isabay mo sa pag-unlad mo ang mahal mo. Dahil kung maiiwanan siya, baka siya pa ang maging dahilan upang pumangit ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-19-28-30-34-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi mo puwedeng liitan ang iyong pangarap. Ikaw ay itinalaga para sa malalaki at malakasang pangarap na kung saan ay nakatakda ka ring tumulong sa kapwa mo tao. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-13-27-37-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumukupas ang lahat ng bagay sa mundo. Pero tulad ng mga halaman, muli rin itong lalago at mamumulaklak. ‘Wag kang malungkot upang muling manariwa ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-11-22-26-37-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kasabay ng ihip ng hangin, itapon mo ang mga basura, lalo na ang mga pabigat na walang ginawa kundi ang pasakitin lang ang isip at kalooban mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-11-12-25-34-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pinaghahandaan ang kinabukasan at hindi binabalewa. Ito ang mensahe sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-10-15-17-25-33.
Comments