Horoscope | Abril 6, 2025 (Linggo)
- BULGAR
- 1 day ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Apr. 6, 2025

Sa may kaarawan ngayong Abril 6, 2025 (Linggo): Kung ano ang ikagaganda ng buhay mo, iyon ang ikikilos ng kapalaran mo. Kaya naman, ‘wag mo nang kontrahin ang iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahirap tanggapin ang katotohanan na lahat ng bagay rito sa mundo ay may kapalit. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-19-31-34-38-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muli ibinabalita ng araw na ito na mas maraming pang bukas ang darating sa buhay mo. Kaya ‘wag mong kalimutang magpasalamat sa itaas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-18-35-36-37-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Mahirap tanggihan ang maganda sa paningin. ‘Wag mo itong layuan, bagkus hayaan mo lang ito at gawin mo na lamang bilang isang inspirasyon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-15-25-33-41.
CANCER (June 21-July 22) - Kapag magkasama ang dalawang mapang-akit, muli kang makakaramdam ng pagmamahal. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-19-22-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magtataka ka ngayon sa iyong sarili. Ang mga taong lihim mong kinaiinisan ay lihim mo rin nanaising gumanda ang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-15-28-37-39-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dito sa mundo, kung sino ang malakas siya ang mananaig, habang ang mahina naman ang siyang nasasawi. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-14-23-33-39-45
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sinasaluduhan ang magagaling, hinahangaan ang magaganda, habang ang mga mababait ay minamahal. Taglay mo ngayon ang lahat ng katangiang ito, kaya naman magsisimula ka na ngayong suwertehin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-15-18-27-37-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Oo, binabasa rin ng langit ang laman ng kalooban ng bawat isa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-13-17-21-38-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ngayon ka makakaani ng mga magandang bunga ng iyong pagsusumikap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-12-19-25-32-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa ang iyong karanasan ngayon. Aakalain mong nakalimutan ka na ng mga taong ginawan mo ng kabutihan, subalit hindi pala. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-20-26-38-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Noon pa punumpuno ng sorpresa ang iyong buhay. Kaya hindi ka na masosorpresa ngayon kung makatanggap ka man ng regalo mula sa kaaway mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-9-22-28-34-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mas gaganda ngayon ang takbo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-18-29-38-41.
留言