top of page
Search

Horoscope | Abril 4, 2024 (Huwebes)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika-4 Araw ng Abril 2024



Sa may kaarawan ngayong Abril 4, 2024 (Huwebes): Gamitin mo ang iyong magandang katangian para sa iyong kapakanan. Mas maganda kung uunahin mo ang iyong sarili kesa sa ibang tao.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pansinin ang mga taong nagpapapansin. Masasayang lang ang oras at panahon mo sa kanila. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-14-19-24-33-39.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makibahagi ka sa gawaing tumutulong sa mga kapus-palad. Sa ganitong paraan, mas lalong gaganda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-21-27-32-38-45.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang manghinayang sa mga bagay na mawawala sa iyo,  dahil ang mga ito ay mapapalitan din ng mas marami at magandang bagay na labis mong ikakatuwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-9-14-23-28-33.

 

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong labanan ang galit. Mas magandang manahimik at maghintay ng tamang pagkakataon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-7-16-22-29-34.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Hinahon ang pairalin mo sa mahirap na sitwasyon. Sa pagiging mahinahon, ang mga hindi pagkakaintindihan ay maaaring maayos. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-11-19-25-35-40.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mula sa maliliit na binhi ng malalaking punong kahoy, ito ang magiging yaman mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-18-28-36-41-45.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Itago mo ang iyong ganda at galing. Magkunwari kang walang alam. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-11-21-24-33-39.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makipagsapalaran ka. Oo, ang buhay sa mundo ay pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-18-25-27-30-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Turuan mo ang mga taong gustong matuto. Pero, huwag kang magsayang ng oras sa mga taong wala namang balak matuto. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-12-24-33-39-42.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mas magandang makasama ang mga kaibigan mo kesa sa mga taong nagkukunwari lang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-13-19-25-29-41.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ang kapalaran mo sa araw na ito. Dahil kahit wala kang gawin, ikaw pa rin ay susuwertehin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-11-27-36-40-44.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung lagi ka nilang pinangungunahan, huwag kang mainis dahil sila mismo ang magiging dahilan kung bakit gaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-13-22-28-34-45.

 



0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page