Horoscope | Abril 30, 2025 (Miyerkules)
- BULGAR
- 5 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Apr. 30, 2025

Sa may kaarawan ngayong Abril 30, 2025 (Miyerkules): Ang bawat pagsubok na pagdaraanan mo ang magsisilbi mong gabay upang magtagumpay at suwertehin.
ARIES (Mar. 21–Abr. 19) - Hindi mo maaaring pagsabay-sabayin ang lahat ng gusto mong gawin. Mas makakabuti kung iisa-isahin mo muna ito. Sa ganitong paraan, mas madaling mapapasaiyo ang malalaking suwerte at tagumpay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-19-24-28-30-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Labis kang masisiyahan ngayon dahil matutupad na rin ngayon ang mga ambisyon mo. Masuwerteng kulay-beige.Tips sa lotto-6-17-29-33-36-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mo nang balikan ang mga bagay na hindi mo pa napapasakamay. Ang mahalaga ngayon ay maging positibo ka. Ito ang paalala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-15-28-32-35-39.
CANCER (June 21-July 22) - Dobleng suwerte ang mapapasaiyo ngayon, lalo na kapag gumawa ka ng kabutihan sa mga taong hindi mo kakilala. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-13-16-27-29-31.
LEO (July 23-Aug. 22) - Oo, may maipagmamayabang ka! Pero mas maganda pa rin kung mananatili kang mababa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-12-19-25-37-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung saan ka masaya, ru’n ka! Ibig sabihin, kapag nahihirapan ka na sa trabaho mo, maghanap ka na ng iba. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-10-12-18-38-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Inspirasyon ang magtutulak sa iyo upang umasenso. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-15-21-26-34-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bigyan mo ng halaga ang mga taong nagpapahalaga sa iyo. Sa ganitong paraan, matutuwa sa iyo ang langit. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-13-20-22-25-29-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi mo dapat balewalain ang paghina ng iyong resistensya. Mas maganda kung makikinig ka muna sa babala ng iyong katawan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-16-24-28-30-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muling babalik ang negatibo mong pananaw. Kahit na ganu’n, ‘wag mong hayaan na pagharian ka ng karuwagan at pag-alala. Ito ang mahalagang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-13-22-31-38-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong ipagpalit sa maganda ang mga bagay na napapakinabangan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-15-20-26-37-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakatuwa ang iyong kapalaran ngayon. Kahit wala kang gawin, bubuwenasin ka pa rin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-18-21-27-34-42.
Comments