ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika- 22 Araw ng Abril 2024
SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 22, 2024 (Lunes): Napakalakas ng iyong personalidad. Ito ang lihim na dahilan kung bakit nakakabangga mo ang kapwa mo rin malakas.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, huwag mong pansinin ang mga taong sumasalungat sa iyo, dahil wala naman silang mabuting maitutulong sa iyo. Kahit ano’ng gawin mo, kokontra at kokontra pa rin naman sila sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-20-24-30-34-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipakita mo kung ano ang kaya mo, para ipakita rin ng langit kung ano ang para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-14-24-33-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka mauubusan ng mga suwerte, pero ang mga karibal mo ay kakapusin ng buwenas. Ganyan ka kamahal ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-13-18-21-23.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pahirapan ang iyong sarili dahil lang ayaw nila sumunod sa iyo. Sila ang dapat na mahirapan at magdusa dahil mas mapalad ka kesa sa kanila. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-18-27-30-33-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Masyado kang nakatutok sa isang tao na hindi ka naman pinapahalagahan. Dapat kang magising sa katotohanan na nagsasayang ka lang ng panahon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-19-25-34-39-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ito ang araw na sadyang nakalaan sa iyo. Kaya naman kahit ayaw mo, marami ka pa ring suwerte na makukuha at ipagkakaloob ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-18-25-31-38-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Unahin mo ang iyong sarili, dahil ito ang tunay na sikreto ng iyong tagumpay. Ito rin ang lihim na ginagawa ng mga kasalukuyang nagtatagumpay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-17-21-25-39-44
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Higit kailanman, ngayon mo kailangan ilabas ang iyong natatagong lakas. Ang mga alahas kahit gaano kaganda ay walang saysay kung lagi lang naman nakatago. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-9-13-18-21-27.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Patuloy ang pagsulong ng mundo at lalo itong nagiging moderno sa kabila ng katotohanan na may gabing madilim. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-15-26-34-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagtataka ang mga kaaway mo, dahil mas gumaganda ang buhay mo kesa sa kanila. Gayung ayon sa kanila, mahina at mas mahusay sila kesa sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-18-22-27-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tanggapin mo na may pagkukulang ka rin. Ang may kulang ay nadaragdagan. Ito ang sikreto ng mga umaasenso. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-6-10-16-28-33-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang nasa sa iyo, paramihin mo. Ang munting butil ng palay kapag itinamin ay dumarami nang dumarami. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-11-18-20-32-44.
Comments