top of page

Horoscope | Abril 22, 2025 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Apr. 22, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Abril 22, 2025 (Martes): Malakas ka kesa sa mga pangkaraniwan. Kaya ituon mo ang lakas mo sa pagpapayaman at hindi sa pakikipag-away.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Patuloy na gaganda ang iyong buhay dahil taglay mo na ang lakas ng loob na sasapat upang yumaman ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-10-20-24-33-41.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang patatalo sa mga taong negatibo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-18-26-28-34-40.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Kumilos ka na para bang hindi ka nag-aalinlangan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-19-22-26-28-38.

 

CANCER (June 21-July 22) - Kinakabahan ka ba at hindi mo rin ba alam kung bakit? Ito ay sa kadahilanang nasasagap na ng sarili mo ang paparating na suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-18-24-26-34-37.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Mapapalaban ka ngayon sa iyong anino. Oo, sa anino mo talaga! Siya ang nagtataglay ng iyong kahinaan na ayaw na ayaw mong ilantad. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-7-12-17-29-32-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Madaling iinit ang ulo mo dahil sa ilang mga taong mahirap makaintindi. Kapag napansin mong may ganitong tao sa paligid mo, maging mahinahon ka dahil talagang nagkalat lang sa tabi-tabi ang mga ganu’ng uri ng tao. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-11-23-25-36-42.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit pa mamali ka at sabihin pang nakakagawa ka ng kasalanan, ang langit ay nakahandang tulungan ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-21-27-33-41.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tumataas ang mga alon sa dagat at nakakarating sa kalupaan. Dala-dala ngayon ng mga along ito ang iyong kapalaran na labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-14-19-23-37-40.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang mga taong mahihina ang pang-unawa, dahil baka mahawa at humina rin ang ulo mo. Tandaan mo, hindi lang sakit ang nakakahawa, dahil maging ang kakitiran ng utak ay nakakahawa rin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-22-25-30-41.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nag-aaway at nagsisiraan ang mga pulitiko. Sa kanilang pakikipagtalo, ikaw ang tiyak na makikinabang. Magkakaroon ka ng mga oportunidad upang umunlad ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-17-25-31-38-42.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang gusto mo,  iyon mismo ang mangyayari sa buhay mo. Tukuyin at huwag mo nang haluan pa ng mga pandekorasyon ang iyong mga salita. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-12-19-29-34-38.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka mauubusan ng mga suwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-16-25-27-35-40.


תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page