Horoscope | Abril 21, 2025 (Lunes)
- BULGAR
- 3 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Apr. 21, 2025

Sa may kaarawan ngayong Abril 21, 2025 (Lunes): Itinakda kang mamuno. Kaya bata pa lang, sinasanay ka na ng iyong kapalaran na may nauutusan. Sa pamumuno, ‘wag mo pa rin kalimutang maging mababa.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Madalas ang mga taong hinuhusgahan ang siya pang nagtatagumpay. Kaya tandaan mo na ang kabiguan ay pansamantala lang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-19-24-29-34-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Para sa iyo ang pangingibang-bansa at isa pa, ru’n ka rin makakaranas ng magandang buhay. Subalit, maniwala ka man o hindi, kahit ‘di ka mag-abroad, yayaman ka pa rin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-21-33-39-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Malilito at mahihirapan kang magdesisyon dahil ngayon darating ang masarap na buhay para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-11-15-26-28-30.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang mangamba kung may magtangkang bawasan ang iyong kabuhayan, dahil tiyak na kikilos agad ang langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-14-23-28-33-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon mo mararamdaman na nasa ibabaw ka ng malalambot na mga ulap. Sa ganu’ng kalagayan, pangarapin mong makasama at makapiling ang iyong pinakamamahal. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-19-22-36-38-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Masayang balita ang para sa iyo, kaya puwede mong paglaruan ang mga nangyayari sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-10-12-24-32-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumilos ka na para bang walang problema. Magugulat ang mga lihim mong kaaway na naghahangad na ikaw ay mabigo. Gawin mo na ito ngayon, dahil talaga namang sasaya ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-18-21-27-31-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Muling gaganda ang iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-13-17-29-33-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masasaksihan ng iba na nahuhulog ang mga bituin sa langit na nag-aakalang hindi na sila babagsak. Kumuha ka ng aral mula sa kanila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-19-24-26-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mag-ingat ka sa hinihiling mo, dahil tiyak na ito ay magkakatotoo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-9-15-27-33-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Umiinit ang ihip ng hangin at umiinit ang paligid. Sa iba, ito ay hindi magandang balita, subalit para sa iyo, ito ay nagsasabing makakarating ka sa mga masasaya at magagandang lugar na ikaliligaya ng iyong puso at kaluluwa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-18-20-25-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nalalagas ang mga dahon ng halaman upang bigyang-daan ang mga sariwang dahon. Hayaan mo lang na mawala ito, dahil mapapalitan din naman ito ng iba't ibang sitwasyon na may kasamang suwerte at magagandang kapalaran na hindi mo inaasahan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-19-27-30-36-45.
Comments