top of page

Horoscope | Abril 17, 2025 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Apr. 17, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Abril 17, 2025 (Huwebes): Ang mga suliranin at pagsubok ang mas magpapatatag sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. 

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka puwedeng umatras ngayon. Ang tao ay nilikha para sumulong. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-23-29-32-40.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - May makukuha at mahihigop kang suwerte mula sa makakatabi mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-22-24-30-33-41.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong patulan ang mga taong nang-iinis lang. Hayaan mo sila, dahil wala ka namang mapapala sa kanila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-19-21-26-28-34.

 

CANCER (June 21-July 22) - Susubukan ka ngayon ng iyong kapalaran. Kung hindi mo kaya, wala kang dapat ipag-alala, dahil muli itong babalik at tiyak na matatalo mo na ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-16-20-27-31-44.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mo nang ipilit unawain ang taong alam mo namang sadyang mahirap intindihin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-17-21-26-39.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung makakita ka ng mali, manahimik ka na lamang. Mas masarap mabuhay sa kapayapaan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-13-15-29-32-38.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Matamis ang bunga ng pinaghirapan. Harapin mo ang hamon ng iyong kapalaran at lumaban ka, dahil dito mo matatagpuan ang tunay na kaligayahan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-24-28-30-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kontrolin mo ang sarili mo. Dahil ang taong may kakayahang kontrolin ang sarili ay siyang nagtatagumpay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-12-28-32-36-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Aanhin mo ang kasama kung wala namang naitutulong sa iyo? Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-19-24-28-30-33.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mo mapapansin ngayon na unti-unti ka nang nagtatagumpay. Kaya naman ipagpatuloy mo lang ang iyong pagsusumikap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-18-22-27-35-37.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag natagpuan mo ang sarili mo na para bang ‘di mo na kinakaya ang mga pagsubok, agad kang tutulungan ng langit. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-15-20-22-25-31.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muling lalapit sa iyo ang mga negatibong tao. Gayunpaman, ‘wag mo silang pansinin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-14-28-30-33.

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page