Horoscope | Abril 10, 2025 (Huwebes)
- BULGAR
- Apr 10
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Apr. 10, 2025

Sa may kaarawan ngayong Abril 10, 2025 (Huwebes): Hindi ka maaawat sa pagtulong sa iyong kapwa. Gayunpaman, ito rin naman ang gustong ipagawa sa iyo ng langit.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mabilis na umaasenso ang mga taong nagtatrabaho ng masaya. Kaya hindi ka puwedeng matalo ng kalungkutan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-13-24-27-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mamasyal ka sa malayo at malapit na lugar. Kapag ginawa mo ‘yan, may suwerteng maghihintay sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-14-20-23-31-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Sarili mo lang ang pakinggan mo ngayon. Ito ang payo sa iyo upang ‘di ka magkamali. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-9-19-25-37-42-45.
CANCER (June 21-July 22) - Aalalayan ka ng iyong kapalaran, kaya wala kang dapat ikatakot ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-23-26-30-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nagpasya na ang langit na ibigay sa iyo ang huling halakhak. Kaya hayaan mo lang na makaporma ang mga kontrabida sa buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-13-16-20-28-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang masyadong magtitiwala sa iyong sarili. Bagkus, isabuhay mo ang pagiging alerto sa bawat sitwasyon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-15-18-28-31-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Napansin mo ba na may mga sandali na tahimik ka? Ito’y nagpapaalaala na sa mga araw na ito, kailangan mong magdebosyon sa kinikilala’t sinasamba mong banal na personalidad. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-13-17-22-29-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mo nang hanapin ang wala, dahil nakaabang na sa landas ng iyong nilalakaran ang napakalaking suwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-16-24-28-36-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pahinga ang iyong kailangan sa pag-iisip ng mga problema. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-22-29-34-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gawin mo lang kung ano ang kaya mo. Gayunpaman, iwasan mong lumabis at huwag ka rin basta-basta maniniwala na kapag tinutukan ang isang bagay, tiyak na makukuha. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-13-21-25-27-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mo na munang problemahin kung ano ang kakainin mo sa mga susunod na araw. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-12-27-30-33-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumukuha pa ng buwelo ang mga suwerte mo. Kapag nakakuha na ito ng buwelo, ang suwerteng darating sa iyo ay parang isang malakas na ulan na biglang bubuhos sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-19-23-31-38-40.
Komentar