ni Eli San Miguel @Entertainment News | September 2, 2024
Inanunsiyo ng HORI7ON, isang global group na binubuo ng mga Filipino na nakabase sa South Korea, ang pagdaraos ng kanilang pangalawang concert sa Manila sa darating na Nobyembre.
Gaganapin nila ang 2024 HORI7ON Concert sa Manila na pinamagatang "Daytour: Anchor High" sa Nobyembre 3, 6 p.m., sa SM Mall of Asia Arena.
“Attendance check! HORI7ON is inviting you to enroll with them at HORI7ON HIGH for their second concert to be held at SM Mall of Asia Arena this coming November 3rd! More details about the concert will be revealed soon so get ready to take notes,” ayon sa kanilang anunsiyo sa X. Ito ang magiging pangalawang concert nila sa Manila sa loob ng mahigit isang taon.
Ang HORI7ON, na binubuo nina Vinci, Kim, Kyler, Reyster, Winston, Jeromy, at Marcus, ay nag-debut sa South Korea sa ilalim ng MLD Entertainment noong Hulyo 2023.
Noong Setyembre 9 ng nakaraang taon, ginanap nila ang kanilang "HORI7ON 1st Concert: Friend-SHIP [Voyage To Manila]" sa Araneta Coliseum. Matatandaang inilabas nila noong nakaraang buwan ang kanilang version ng kantang “Sumayaw Sumunod" mula sa Filipino band na Boyfriends noong 1978.
Comments